Friday , November 15 2024

Homeowners president niratrat (1 patay, 2 sugatan)

PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan, kabilang ang presidente ng homeowners association sa Brgy. Parada, Valenzuela City, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Delfin Baisac, 34, ng F. Francisto St., Brgy. Parada, dahil sa tama ng bala sa dibdib, habang isinugod sa Fatima University Medical Center ang sugatan niyang kapatid na si Roland, 27, ng Green Hickers Subdivision, San Bartolome, Novaliches Quezon City, dahil sa tama ng bala sa kanang braso.

Habang ang talagang target ng mga suspek na si Mildred Bumatay, presidente ng Pinagpala Homeowners Association, residente rin sa F. Francisco St., Brgy. Parada, ay kritikal ang kalagayan sa Fatima University Medical Center.

Sa pahayag ng saksing si Wilma Onrubia kina PO3 Edwin Mapula at PO3 Joel Madregalejo, dakong 8:30 p.m., nakikipagkuwentohan si Bumatay sa loob ng Whel’s store F. Francisco nang dumating ang dalawang hindi nakilalang mga suspek.

Nagkataong papasok sa loob ng tindahan si Delfin na nangungupahan kina Bumatay kaya siya ang unang pinaputukan ng mga suspek saka niratrat ang ginang na ang tinamaan ng ligaw na bala ay si Roland na nakaupo sa labas.

Makaraan ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong C-5 Road habang dinala ang mga biktima sa naturang pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay si Delfin.

Sinasabing away sa lupa at personal na alitan ang motibo sa insidente dahil nagsampa ng civil complaint si Bumatay sa ilang residente ng Brgy. Pinagpala na ngayon ay nakabinbin pa sa korte.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *