Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Bosero’ sugatan sa boga

SUGATAN ang isang lalaking sinasabing namboso sa Pasay City nitong Linggo makaraan siyang barilin ng live-in partner ng nagrereklamong babae.

Sinasabing ipinatong ng suspek ang isang cellphone sa bintana ng banyo para makuhaan ng video ang naliligong biktimang si alyasJackie Lou.

Napansin ng babae ang cellphone kaya agad siyang nagsumbong sa isang barangay ex-o na siya rin may-ari ng pinauupahang bahay.

Nagduda ang opisyal ng barangay na pagmamay-ari ng isa pa niyang tenant na si Larry Ibañez ang cellphone.

Dahil dito, kinompronta ni “Jackie Lou” si Ibañez at nagkasagutan silang dalawa.

Sa gitna ng pagtatalo, binaril si Ibañez ng kinakasama ni Jackie Lou, na kinilalang si Rein Joseph Rimorin.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang babae at si Rimorin.

Isinugod sa ospital si Ibañez na nakatakdang operahan dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Iginiit ng kampo ni Ibañez na walang video nag naliligong babae sa kanyang cellphone.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …