Friday , May 16 2025

Katiwalian sa nakalipas na eleksiyon sa Calabarzon

NAGSAGAWA ng post election conference nitong Hunyo 6,2016, ang Region IV-A Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (CALABARZON) sa Tagaytay City International Convention Center.

Marami umanong nadiskubreng katiwalian o kapalpakan nitong nakalipas na eleksiyon. Isang isyu rito ang transmission ng resulta ng botohan.

May isang lugar umnao na sakop ng CALABARZON, na matapos mai-transmit ang lahat ng resulta sa main office ng Comelec ay muli itong ipinapa-transmit sa kanila sa hindi malamang dahilan.

Mabuti na lamang ang Provincial Election Supervisor na humahawak ng nasabing lugar ay hindi pumayag na i-retransmit ang mga resulta ng botohan.

***

Tanong ng election officer sa lalawigan ng Cavite, Batangas, Quezon at Laguna, bakit kailangan i-retransmit lahat ng resulta? Ikalawang isyu na pinag-usapan ay mayroong nag-print ng Certificate of Canvass and Proclamation.

Nagulat sila na ang lumabas na nanalo ay ‘yung talunan, at ang petsa ay Pebrero 28, 2016 gayong ang eleksiyon ay petsa May 9, 2016? Karamihan sa election officers ay inirereklamo ang VCM technicians na itinalaga ng Smartmatic.

Dahil sa dami ng reklamo at mga nangyaring hindi maganda, iminungkahi ng Comelec Director ng Region IV-A na magkaisa ang lahat na ireport at ireklamo ang mga nangyari.

***

Matapat lamang na aksiyonan ito ng tanggapan o ahensiya ng COMELEC, dahil may bayarin pa ang COMELEC na P8 bilyon sa Smartmatic, ang reaksiyon ng nasabing Provincial Director, dapat daw huwag nang bayaran ang Smartmatic dahil sa kapalpakan na nangyari sa CALABARZON, partikular na ang nangyaring dapat ay hindi lumitaw na panalo ang mga talunan!

Isa lang ang ibig sabihin, may pandaraya talaga ang Smartmatic!

Sabi ng mga election officers!

***

May bumulong na isang election officer, si Bongbong Marcos umano ang dapat na panalo! Hindi si Robredo!

Ala ‘e, dapat imbestigahan ito, handa raw at matapang na haharap ang provincial election supervisor ng CALABARZON. Handa raw niyang ibulgar ang katiwalian ng Smartmatic!

Kawawa naman ang mga kandidatong dapat ay panalo!

Barangay Chairwoman na ‘Insecure’

Sino ang barangay chairwoman sa lungsod ng Pasay na kung makaasta ay mistulang First Lady ng lungsod ng Pasay?

Si Kapitana ay zone chairman pa naman. Nakuha niya ang puwestong ‘yan thru appointment dahil ‘sipsip’ sa mga opisyal ng pamahalaang lokal ng lungsod!

Mahilig mag-solicit si Kapitana, kalaban 0 kakampi ng administrasyong Calixto lalo na noong kasagsagan ng kampanyahan noong nakalipas na eleksiyon!

Isa pang sulsol, isang babaeng kagawad na sakop ng kanyang Zona, hindi maganda sa isang Kapitana at isang kagawad ang “tsismosa at inggitera, hindi magandang ehemplo ng kanilang constituent!

Kapwa Kapitan ay itsinitsimis, gamit ang social media, mas maganda siguro, masampolan ang dalawa para hindi na mahalal pa sa susunod na barangay elections!

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *