Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puwet ni Kiray, favorite ni Enchong

SA pelikulang I Love You To Death ay may kissing scene ang mga bidang sina Enchong Dee at Kiray Celis na ayon sa huli ay na-take four sila sa eksenang iyon.

Hindi pa rin daw kasi siya sanay sa eksenang may halikan.

“Sa TV, sa screen, hindi ako sanay,” sabi ni Kiray.

Sa tingin niya, kailan siya masasanay sa kissing scene?

“Sa tingin ko sasanayin nila ako,” natatawang sagot ni Kiray.

Sa pelikulang Love Is Blind unang nagkaroon ng kissing scene si Kiray sa leading man niyang si Derek Ramsay. May nagsabi noon na maarte siya dahil sinabi niya na hindi niya gusto ang nangyaring kissing scene nila ni Derek na feeling niya kasi ay nag-take advantage ito sa kanya.

At ang reaksiyon ni Kiray tungkol doon ay, “Alam naman nila na ‘yun ‘yung weakness ko, eh. So sanay na akong masabihang maarte. At least sa kissing scene ako umaarte, hindi sa ibang mga eksena.”

First time mang nagkasama sa pelikula ay gamay na rin naman nina Kiray at Enchong ang isa’t isa. Madalas naman kasi silang nagkakasama sa mga show ng ABS-CBN 2 na pareho silang nakakontrata. Kaya naman hindi na sila nagkakahiyaan pa na nagpipisilan sila ng puwet.

“Favorite niya kasi ‘yung puwet ko. Malaki kasi ‘yung puwet ko so natutuwa siya. Sabi ko ‘hawakan ko rin ‘yung puwet mo. Hindi porke’t ginagawa mo sa akin, hindi ko gagawin sa ‘yo’,”ang natatawang sabi ni Kiray.

May nararamdaman ba siyang malisya kapag pinipisil ni Enchong ang puwet niya?

“Oo naman kasi lalaki siya.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …