Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, iiwan na ang showbiz

PINABULAANAN ni Boss Vic Del Rosario sa presscon ng Miss Manila 2016 na maselan ang kalagayan ngayon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Matagal na raw na walang pahinga si Sarah kaya binigyan siya ng two months break—July at August. Pero ‘yung mga commercial niya ay ginagawa raw niya.

May inihahanda na rin daw pelikula para kay Sarah. May alok din daw angABS-CBN 2 bilang host sa bagong reality show pero pinag-aaralan pa ni Boss Vic ang offer sa alaga niya.

Naniniwala rin si Boss Vic na hindi pa handa si Sarah para mag-asawa. Ang plano raw ni Sarah ay posibleng mag-retire sa showbiz ‘pag nagpakasal na. Itututok daw niya ang oras niya sa bubuuing pamilya.

Pabor din siya ‘pag ganoon ang gagawin ng Pop Princess para tahimik na raw ang family life nito. Baka kumanta na lang sa mga special occasions si Sarah ‘pag nag-asawa na.

Samantala, kung si Mother Lily ay nagdadalawang isip na sumali sa Metro Manila Film Festival, ano naman ang plano ng Viva Films?

Hinihintay pa raw nila ang bagong rules ng uupong MMDA Chairman na mamumuno rin ng filmfest.Pero may inihahanda raw sila ng Star Cinema.

Ang malinaw lang ay walang entry sa MMFF si Vice Ganda. Sa October daw ang showing ng movie nito.

Tungkol naman sa Miss Manila 2016, ang Viva Live, Inc. ni Boss Vic ang co-producer. Nakatakda ang coronation night sa June 24 sa Philippine International Convention Center. Delayed telecast ito sa TV5 hosted byEdu Manzano at KC Concepcion.

Thirty-three candidates ang maglalaban at  kalahating milyong piso ang cash prize. Bibigyan ng kontrata ng Viva Films ang mananalo.

Ang official candidates ng Miss Manila ay sina Aya Frances Cruz, Cristelle Tolentino,  Ganiel Akrisha Krishnan, Tenth-ten Rhea Doringo, Paola Bianca Bagaforo, Angela Beatrice Cecilio, Mikaela Mendez, Mabel Verceles, Julyan Jazmine Leonida, Justiene Ortega,Mae Kimberly de Luna, Meiji Cruz, Roselyn Evardo, Sarah Margarette Josos, Janette Roanne Sturm, Hannah Bithjah Merino, Anne Krishia Antonio, Mercegrace Raquel, Mehwish de Castro, Chantal Roi Serafica,  Joanna Marie Rabe,Mary Rose Cajayon, Ruyeth Ann Mariano, Ruth Sabrina Linganay, Abegail Castor,Allana Coronel, Shenna Mae Zaldivar, Kristel Guelos, MarvelynTalha, Lhorden Joy Trimor, Mecelle Charice Silva, Feona May Alloso, at Ramona Yamat.

Ang beneficiary ng nasabing pageant ay ang MARE Foundation, a non-profit institution headed by Chairperson and Pageant Director, Ms. Jackie Ejercito.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …