Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, masaya na naman ang buhay-pag-ibig

NALAGPASAN  na naman ni Melai Cantiveros ang pagsubok sa kanyang married life.

Nagkaayos na sila ng kanyang mister na si Jason Francisco at back to normal ang masaya nilang pagsasama.

Mukhang may konek din ito sa lovelife niya sa  Kapamilya afternoon serye na  We Will Survive. Nagbago na ang takbo ng buhay pag-ibig ni Maricel (Melai Cantiveros) matapos niyang hayagang aminin ang tunay na nararamdaman para sa ama ng kanyang anak na si Pocholo (Carlo Aquino). Mas malaya nang naipararamdam ni Pocholo ang kanyang pagmamahal ngayong handa na si Maricel na muling buksan ang kanyang puso.

Maraming nakare-relate sa tema ng serye tungkol sa love at friendship nina Melai at Pokwang kaya hindi binibitawan ng mga viewer. Bukod dito, havey pa ang punchlines nila kaya nagiging light ang dating ng serye.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang paghahanda ni Edwin (Jeric Raval) para sa sorpresang proposal niya kay Wilma (Pokwang). Ngunit sabay sa kanyang palihim na preparasyon ay ang mga maling hinala ng kanyang nobya na dahilan para pagdudahan siya nito.

Magtuloy-tuloy na kaya ang magandang takbo ng pag-iibigan nina Pocholo at Maricel? Paano pa kaya maitatago ni Edwin ang kanyang sorpresa mula kay Wilma? Patuloy kayang umayon ang kapalaran sa kanilang mga buhay?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing  5:00 p.m. sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …