Sunday , December 22 2024

Katiwalian sa nakalipas na eleksiyon sa Calabarzon

NAGSAGAWA ng Post Election Conference nitong Hunyo 6,2016, ang Region IV-A Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (CALABARZON) sa Tagaytay City International Convention Center.

Diumano, maraming nadiskubreng katiwalian o kapalpakan nitong nakalipas na eleksiyon, isang isyu ang transmission ng resulta ng botohan, dahil meron isang lugar na sakop Ng CALABARZON na matapos mai-transmit ang lahat ng resulta sa main office ng Comelec ay muli itong ipinapa-transmit sa kanila sa hindi malamang dahilan, mabuti na lamang, ang Provincial Election Supervisor na humahawak ng nasabing lugar ay hindi pumayag na i-retransmit ang mga resulta ng botohan.

                   ****

Tanong ng mga election officer sa lalawigan ng Cavite, Batangasm Quezon at Laguna, bakit kailangan na i-retransmit lahat ng resulta? Ikalawang isyu na pinag-usapan, may nag-print ng Certificate of Canvass and Proclamation. Nagulat sila nang lumabas na nanalo ‘yung talunan at ang petsa ay Pebrero 28, 2016 gayong ang eleksiyon ay petsa May 9, 2016?

Karamihan sa Election Officers ay inirereklamo ang VCM technicians na itinalaga ng Smartmatic. Dahil sa dami ng reklamo at mga nangyaring hindi maganda, iminungkahi ng Comelec Director ng Region IV-A na magkaisa ang lahat na ireport at ireklamo ang mga nangyari.

                     ***

Matapat lamang na aksiyonan ito ng tanggapan o ahensiya ng COMELEC, dahil may bayarin pa ang COMELEC na P8 bilyon sa Smartmatic, ang reaksiyon ng nasabing Provincial Director, dapat daw, huwag bayaran ang Smartmatic dahil sa kapalpakan na nangyari sa CALABARZON, partikular ang nangyaring dapat ay hindi lumitaw na panalo ang mga talunan! Isa lang ang ibig sabihin may pandaraya talaga ang SMARTMATIC! Sabi ng mga election officers.

 ***

May bumulong na isang Election Officer na si Bongbong Marcos umano ang dapat panalo hindi si Robredo! Ala e, dapat imbestigahan ‘yan, handa raw at matapang na haharap ang Provincial Election Supervisor ng CALABARZON. Handa raw niyang ibulgar ang katiwalian ng Smartmatic! Kawawa naman ang mga kandidatong dapat ay panalo!

Barangay Chairwoman na “Insecure”

Sino ang barangay chairwoman sa lungsod ng Pasay na kung makaasta ay mistulang First Lady ng lungsod ng Pasay?

Si Kapitana ay Zone Chairman pa naman, nakuha niya ang puwesto thru appointment dahil ‘sipsip’ sa mga opisyal ng pamahalaang lokal ng lungsod. Mahilig mag-solicit si Kapitana. Kalaban o kakampi ng administrasyong Calixto lalo na noong kasagsagan ng kampanyahan noong nakalipas na eleksiyon.

Isa pang sulsol ang isang babaeng kagawad na sakop ng kanyang zona. Hindi maganda sa  isang Kapitana at isang kagawad ang tsismosa at inggitera. Hindi magandang ehemplo para sa kanilang constituents. Kapwa Kapitan ay tsinitsismis gamit pa ang social media. Mas maganda siguro, masampolan ang dalawa para ‘di na mahalal pa sa susunod na barangay election.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *