Monday , December 23 2024

Jay, ayaw nang maghubad

GINAWANG bakla ni Direk Arlyn dela Cruz si Jay Manalo sa bagong pelikula nitong Pusit. Binigyan pa niya ito ng sakit na ‘AIDS’ at nanghahawa.

Nakakalorky ang role ni Jay dahil nakipag-sex siya sa 14-anyos na lalaki at hinawaan niya ng Aida.

Sa shooting ay hubo’t hubad ‘yung ka-sex niya. Sey daw ni  Jay, “Tapos na ako riyan.” Kumbaga, graduate na siya sa paghuhubad sa pelikula.

Nasa editing na ang pelikulang na isasali sa Metro Manila Film Festival.  Ito ay initial offering ng Pantomina Films in cooperation with Blank Pages Productions. Prodyus ito ni  Maria Teresa Cancio.

Dalawang taon nang nakasama ang mga pelikula ni Direk Arlyn sa New Wave ng MMFF gaya ng  Maratabat atMandirigma kaya wish niya na magustuhan ng jurors ang Pusit.

Bakit Pusit ang titulo ng pelikula?

“Ang ‘Pusit’ ay lingo, tawag ng community na ‘oy pusit ka, no?’ meaning  positive ka sa AIDS o HIV. Noong umattend kami ng ‘AIDS Hour’, narinig namin ‘yun,eh! Sabi nila, ‘Mabuhay ang mga Pusit’,” paliwanag ni Direk Arlyn.

Ang mensahe ng Pusit ay hindi end of the world na magkaroon kay HIV. There is hope, there is life. Pero, ipinakita rin sa pelikula ang discrimination, ‘yung stigma, ‘yung family mismo ang unang magre-reject at unang magja-judge pero family din ang tutulong sa ‘yo. At ‘pag dumapo ang ganitong klaseng sakit, kailangan ng ‘acceptance’.

Ano ang atake niya sa pelikulang ito at pagkakaiba sa mga ibang AIDS movie?

“Kuwento ito ng tatay, ng anak, ng kapatid, ng isang kaibigan. Puwede itong mangyari kahit kanino at dito sa kuwentong ito, hindi siya sakit na..ito ay kuwento ng  pamilya. Isang OFW straight guy ang nagkaroon ng AIDS, isang 14 years old ang nagkaroon ng AIDS dahil nangailangan ng pera para sa DOTA, totoong kaso ‘yun. Isang professional, businessman na mayroong sakit, kumbaga tumawid siya sa iba’t ibang social conditions.

“May bading din dito, pero may babae rin kaming victim. Naisip ko ‘yun dahil hindi ito gay film. Ang sakit na ito ay hindi lang dumadapo sa LGBT community,” sambit niya.

“Locally, ang huling movie ko lang na napanood ay ‘yung ‘Dolzura Cortez’  ni  Vilma Santos. Ang kaibahan siguro nito ay wala kang masasabi na kuwento ito ng  isang tao lang. Hindi siya umikot sa isang tao lang kundi sa iba’t ibang mukha. Hindi nila kilala ang isa’t isa pero magkakaugnay sila. Iisa ang burden na nararamdaman nila, umaasam sila ng pag-asa, they are facing the same challenge,” sey pa niya.

Kasama rin sa pelikula sina Kristofer King, Ronnie Quizon, Elizabeth Oropeza atbp. Iniharap din sa cast ang isang AIDS victim para maramdaman nila at maging pamilyar sila kung ano ang pinagdaraanan ng isang tao na may ganitong klaseng sakit.

“Mayroon kaming real-life HIV patient na subject. Nakausap siya  ng buong cast at may special participation siya sa Pusit. Almost full-blown na ang syphilis niya, pero parang normal pa rin siya,” saad pa ni Direk Aryln.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *