Tuesday , May 13 2025

Importers ng semento sinisiraan ng cartel

KINONDENA ng consumers group na BIGWAS si Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordoñez sa paratang na nagsasagawa ng technical smuggling ang mga negosyanteng umaangkat ng produktong semento.

Ayon kay BIGWAS secretary general Nancy de la Peña, pinaratangan ni Ordoñez na 75 porsiyento

ng 161,000 metriko toneladang semento na inangkat mula sa Vietnam at China ang ipinuslit dahil sa freight price na $3 to $10 pero hindi niya sinabi na pagpasok pa lamang sa daungan ng Filipinas ay nagbabayad na  ang mga importer ng 10% value added tax (VAT) sa kabuuang halaga ng semento, hindi pa man ibinebenta ang produkto sa merkado.

Iginiit ni De La Peña, dapat imbestigahan ng Department of Trade and industry (DTI) at bagong tatag na Philippine Competition Commission (PCC) kung bakit mayroong kakapusan ng produktong semento sa buong bansa kahit maraming minahan sa Bulacan, Cebu, Davao, Rizal, La Union, Pangasinan at marami pang lalawigan sa Filipinas.

Napilitan si Pangulong Aquino na lagdaan ang Executive Order No. 22 para sa zero tariff ng cement at cement clinker dahil walang magamit na produktong semento ang Department of Public Works and Highways kaya kaduda-duda ang motibo ng CeMAP.

“Hindi nagmula si Ordoñez sa industriya ng semento kundi dati siyang undersecretary ng DTI at Department of Agriculture (DA) kaya kataka-takang siya ang napiling pangulo ng CeMAP na binubuo ng mga kompanyang kontrolado ng Swiss, French, Japanese, at Mexican nationals,” giit ni De La Pena.

Ayon sa BIGWAS, dapat imbestigahan ng DTI kung bakit mas mura ang produktong semento na inaangkat sa Vietnam kaysa minimina sa bansa gayong mas mahusay na kalidad ito kaysa may halong semento o blended cement na ipinipilit ng CeMAP sa DPWH at kailangan ang mahigit 20 araw bago matuyo at tumibay.

“Ano ang motibo ng CeMAP, tumigil ang mga importer sa pag-angkat ng semento? Malinaw na paglabag ito sa Unfair Competitions Act dahil gusto ng grupo ni Ordoñez na magkaroon ng artificial shortage sa semento para muling palobohin ang presyo nito na magpapahirap sa tagakonsumong Filipino,” giit ni Dela Pena. “Ganitong taktika rin ang ginawa nila sa produktong semento ng San Miguel Corporations na tinawag nilang Tiger Bulok para hindi tangkilikin ng tagakonsumo.”

About Hataw News Team

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *