MAY hint na ang kampo ni Alden Richards kung sino ang basher na halang ang kaluluwa na gusto siyang itumba sa mismong concert niya sa June 25 sa The Laus Group Event Center, San Fernando, Pampanga.
Hinahanap na raw ito ngayon ng NBI kaya lagot ang basher na ‘yan.
“Christina Grimmie ng Pilipinas ka,” ang mensahe sa actor. Binaril kamakailan si Christina pagkatapos ng kanyang show sa Plaza Live Theater sa Orlando.
Ang naturang mensahe ay may kinalaman sa akusasyon ng nagmamalasakit kuno kay Maine Mendoza na hindi umano maganda ang treatment ni Alden sa ka-loveteam. Pinalalabas nila na sweet si Alden sa harap ng telebisyon pero walang paki sa likod ng kamera. Hindi raw kailangang isiksik ni Maine ang sarili kay Alden.
Matindi ang paninira kay Alden. Sa totoo lang, grabe kung alagaan ni Alden si Maine sa harap at likod ng kamera. Hindi na kailangang i-explain pa. Maganda ang samahan ng AlDub kaya ‘wag nang intrigahin pa. Okey sila offcam.
TALBOG – Roldan Castro