Death penalty mahabang proseso
Amor Virata
June 15, 2016
Opinion
POSIBLENG mahabang proseso pa ang kailangan upang muling buhayin ang death penalty sa bansa.
Bagama’t ito ang nais ni Incoming President Rodrigo Duterte at sa pamamagitan ng “hanging” o bitay dahil daraan muna sa masusing pag-aaral ng Mababang Kapulungan at Senado.
Hindi lahat ay puwedeng aprub agad kahit gustong mangyari ni Dutrete. Mayroong prosesong dapat sundin sa pamamagitan ng lehislatura.
Bukod dito, ang oposisyon ay posibleng umapela sa Korte Suprema. Payo ni Senador Tito Sotto, mag-consult muna sa Supreme Court upang hindi masayang ang panahon ng pag-uusap tungkol sa muling pagbabalik ng death penalty sa bansa.
***
Sabi ni Senador Sotto mas mainam na gawin ay masusing pag -aralan ang lahat dahil madali ang magdeklara ngunit labag pala ito sa Saligang Batas. Kung ating natatandaan, 19 bigtime drug related cases ang inalis sa kustodiya ng Bureau of Corrections dahil sa isinagawang suprised visit ni DOJ Secretary Leila de Lima kasama ng mga tauhan ng NBI.
Ang 19 kataong VIP sa preso ay inilipat sa NBI detention cell upang hindi na makapamuhay nang marangya habang nakapiit sa Bilibid sa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor) at hindii na muling makapag- operate ang drug syndicate sa loob.
***
Nabatid na pawang life imprisonment ang hatol sa kanila kaya paano ang gagawin para maging death penalty ang hatol gayong unang hatol ay life imprisonment? Kung ganoon, simula na naman ng diskusyon sa pagitan ng mga abogado ng mga nakakulong? Ganoon ba kadali na baguhin ang hatol mula sa habambuhay na pagkakulong ay bitay ang kapalit?
***
Maraming bansa ang nagpapatupad ng death penalty sa Asya at sa Gitnang Silangan. Ang paraan nila ay lethal injection, hanging, firing squad at pugot ulo. Kaya dapat na masusing pag-aralan ng Kongreso at Senado kung anong uri ng death penalty ang dapat ipataw sa drug lords at sangkot sa heinous crimes.