Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Magtanggol‘, bayani ng mga bagong bayani

Mga “bagong bayani.”

Ito ang tawag sa atin sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa o overseas Filipino workers (OFWs) na patuloy na iniaangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga dolyares na pinadadala nila.

Pero sino naman kaya ang bayani ng ating mga bagong bayani?

Ito ang tinalakay ni direktor Sigfreid Barros Sanchez sa pelikulang “Magtanggol” na palabas ngayon sa mga pangunahing sinehan.

“Sa  kasaysayan ng pamilya Magtanggol, patuloy ang pakikipaglaban ng mga OFWs sa kamay ng malulupit na recruiters  at employers,” aniya Sanchez

Si Senador Juan Magtanggol (ginagampanan ni Tom Rodriguez), miyembro ng makapangyarihang Magtanggol “political clan,” ay natagpuan ang sarili sa sentro ng isang kontrobersya nang siya ay maging suspek sa sunod-sunod na pagpatay sa mga “international employers” ng mga inabusong OFWs.

“Hindi ko naisip ang sobrang sinasapit ng iba nating kababayan na ang tanging gusto lang ay mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya. Eye-opener ang proyektong ito,” sabi ni Rodriguez.

Ang mahusay na aktres na si Dina Bonnevie ang gumanap bilang pangalawang asawa ng Magtanggol patriarch na si Joonee Gamboa.

“Kung hindi tayo kuntento sa pagpapalakad ng ating gobierno, panahon na upang  tayo ay magsalita,” diin ni Bonnevie.

Kasama sa cast sina Ejay Falcon, Albie Casino, Yam Concepcion, Denise Laurel, Ricky Davao, Kim Domngo, Giselle Sanchez, Epy Quizon,  Mavi Lozano, at Stephen Ku.

Ang pelikula ay base sa konsepto ni Jojo Dispo at prinudyus nina Susan at Roberto Juanchito Dispo sa ilalim ng Felix and Bert Film Productions.

Gigisingin ng pelikulang ito ang ating pagiging makabayan, maawain at mapagmahal sa pamilyang Pilipino.

Ang bahagi ng kikitain ng Magtanggol ay ilalaan sa pagtulong sa mga OFWs sa pamamgitan

ng mga programang mapapakinabangan nila tulad ng pagkakaroon ng pansamantalang tuluyan sa  sa Maynila o kung may emergency.

Lahat tayo ay mga kamag-anak o mahal sa buhay na OFW kaya suportahan natin at panoorin ang Magtanggol upang makatulong sa ating maliit na paraan para sa ating mga bagong bayani.

ni Elizabeth Y. Cacas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Elizabeth Cacas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …