Friday , November 15 2024

25 katao sa towing companies mga adik

Sa 35 accredited towing companies ng MMDA ay 25 tauhan nito ang pawang gumagamit ng ilegal na droga.
Hindi na nahiya, maghahatak ng mga sasakyan na nakahambalang sa mga pangunahing lansangan e sila pala ang ilegal! Sampol lang ‘yan, marami pa tiyak na manggagawa sa gobyerno na adik!
***
Kung sa hanay ng pulisya na imbes nagpoprotekta at siyang nangunguna sa pagpapairal ng paghuli sa mga ipinagbabawal na droga ay meron din mga adik, sigurado sa mga drayber ng pampublikong sasakyan ay marami rin. Isa na ang mga traysikel at pedicab drivers, na dapat ay sumailalim din sa drug test dahil ang mga pasahero nila ang apektado
***
Sa mga nagkakaloob ng prangkisa sa mga traysikel operator sa bawat lokal na pamahalaan, dapat isa sa requirement ay drug test sa mga magiging drayber. Sa kanilang tanggapan mismo isasagawa ang drug test upang makatiyak na sumailalim sa drug test. Delikado lalo na kung hatinggabi, dahil maraming drayber ng traysikel at pedicab na bukod sa lango sa alak ay bangag pa sa ipinagbabawal na droga.

Droga ang dahilan sa maraming krimen
Tunay na ang ilegal na droga ang nagtutulak sa maraming adik ang gumawa ng iba’t ibang krimen. Ang pumatay, manggahasa, magnakaw at iba pa. Kung masusugpo ito ay tiyak na mababawasan ang krimen sa bansa.
Tama si Incoming President Mayor Rodrigo Duterte, na unahin ang paglipol sa malalaking sindikato ng droga, na pati maliliit ay nakombinsi na gumamit ng mga ilegal na droga, dahilan upang mamayani ang kahirapan at ang mga anak ang nagsasakripisyo.
***
Katuwiran ng mga nanghuhuli ang pagbebenta ng ilegal na droga ang pinakamadaling hanapbuhay, hindi dahil sa kahirapan, kundi dahil sa katamaran kaya naeenganyo ang drug pushers na maliliit na magbenta ng ilegal na droga. Paano kaya nasisikmura ng mga adik na magulang na ipakain sa kanilang mga anak ang galing sa ilegal?
Pag-upo ni Incoming President Rodrigo Duterte, siguradong malilipol ang drug pushers sa bansa. Sabi nga ibabalik ang death penalty, kung dati ay lethal injection, gusto ni Duterte ay hanging o bitay!
***
Gusto ni Duterte na nangingisay habang binibigti ang kriminal na sangkot sa ilegal na droga at iba pang heinous crimes, upang maramdaman nang unti-unti ang sakit na idinulot nito sa kasalanang ginawa. Ang mga hindi takot sa balak ni Duterte, Tingnan natin!

Ubos na ang pondo para sa 2nd Quarter
Papasok na ang 3rd quarter ng taon sa buwan ng Hulyo, na dapat ang pagtatapos ng 2nd quarter sa katapusan pa ng buwan ng Hunyo, ngunit ubos na sa mga pamahalaang lokal, o posibleng nagamit na rin ang pondo o badyet para sa 3rd quarter. Ang 3rd quarter ang pinakamahalagang badyet sa mga local gov’t dahil ito ang panahon na pursigido sa iba’t ibang proyekto ang mga lokal na pamahalaan, kaya sa 4th quarter, sa pagtatapos ng taon ay sigurado wala nang pondo! Kaya naman buwan pa lamang ng Oktubre ay isinasagawa na ang badyet para sa susunod na taon, lahat nang dapat bayaran para sa taon 2016 ay kailangan nang bayaran.

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *