Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya ni Garrie, boto kay Michael

NOONG umamin si Michael Pangilinan sa Tonight With Boy Abunda na may relasyon na sila ni Garrie Concepcion, anak ng dating matinee idol noong 80’s na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, hindi na siya nagdetalye pa kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Mas gusto kasi niyang panatilihing pribado ang relasyon nila ng dalaga.

“Okay lang na umamin ako, pero hindi ko kailangang ikuwento ‘yung detalye ng pagmamahalan namin. I have my own private life and I’m happy now. We’re in good terms. We’re really really good and we’re happy,” sabi ni Michael na bida sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako.

Dagdag niya, ”I’m so proud of her dahil kung ano man siya ngayon at kung ano man kami ngayon. At sobrang natutuwa ako dahil nagkakaintindihan kami sa trabaho, sa time management, sa decision-making, at sa respeto sa isa’t isa, and that’s it. I don’t have to explain kung kailan kami naging official, basta masaya ako at masaya rin siya at masaya tayong lahat.”

Ayon pa kay Michael, magkasundo ang mga pamilya nila ni Garrie.

“Both sides, we’re good. Open siya, open ako sa kanila Nakakapunta ako sa kanila, nakakapunta siya sa amin. And nakikipag-usap naman ‘yung family ko sa family niya.”

Masaya ring ibinalita ni Michael na sa kabila ng mayroon na siyang baby ay tinanggap ‘yun ni Garre at ng pamilya nito.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …