Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Nora at Ana, may pasabog sa Pare Mahal Mo Raw Ako

MAGKAIBA ang estado ng lovelife ngayon ng dalawang bida ng Pare Mahal Mo Raw Ako na showing sa June 8. Happy at proud si Michael sa pag-amin sa kanyang girlfriend na si Garrie Concepcion (anak nina Grace Ibuna at Gabby Concepcion).

Dumalo si Garrie noong premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako noong Tuesday sa SM Megamall. Nandoon siya para suportahan ang boyfriend. Kahit may bagong GF si Michael, responsable pa rin siya bilang binatang ama. Hindi niya tinatalikuran ang obligasyon sa kanyang anak.

Kabaligtaran naman ito sa lovelife ni Edgar Allan Guzman na balitang hiwalay na sa  young star ng TV5 na si Shaira Mae. Kahit anino ni Shaira ay hindi nakita sa nasabing event. Mula’t simula ay hindi na boto ang manager ni EA kay Shaira Mae kaya itinuturing niya na nakaaapekto sa career ng alaga ang pakikipagrelasyon nito.

Dumalo at sumuporta rin sa premiere night sina Tessie Tomas, Kiray, CJ Navato, at Kristel Fulgar.

Anyway, maganda ang feedback at nag-enjoy ang mga nanood sa premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako. Malakas ang sigawan ng  fans sa mga hugot at magaling na acting ni Edgar.

Bilang introducing naman sa movie si Michael ay pasado ang performance na ipinakita.

Kuwela rin ang tandem nina Joross Gamboa at Matt Evans sa movie. Pati na rin ang nakagugulat na pasabog nina Nora Aunor at Ana Capri. Kasama rin sa pelikula sina Katrina “Hopia  Legaspi, Nikko Seagal Natividad, at Miggy Campbell.

Ito’y sa direksiyon ni Joven Tan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …