Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, tumindi ang galit sa ama ng kanyang anak

MAS magiging komplikado ang buhay pag-ibig ng mga bida na sina Maricel (Melai Cantiveros) at Wilma (Pokwang) ngayong mas umiigting ang galit ng una sa ama ng kanyang anak at hindi pa rin aprubado ang huli sa pamilya ng kanyang nobyo sa  Kapamilya  afternoon series na We Will Survive.

Bagamat hindi na binigyan pa ng pag-asa, patuloy pa rin si Pocholo (Carlo Aquino) sa panunuyo kay Maricel upang muling mapaibig ito.  Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin binubuksan ni Maricel ang kanyang puso para kay Pocholo at desididong hindi na ito ibigin pa sa takot na lokohin lamang siyang muli.

Samantala, patuloy pa ring pinatutunayan ni Wilma ang kanyang sarili sa pamilya ni Edwin (Jeric Raval) at ipinakikitang siya ay karapat-dapat para rito. Bagamat nahihirapan, hindi pa rin siya susukong mapukaw ang kanilang mga puso at makuha ang kanilang tiwala.

Matiis pa rin kayang hindi makipag-ayos ni Maricel kay Pocholo kahit naaapektuhan na ang kanilang anak? Ano naman kaya ang dapat gawin ni Wilma upang makuha ang loob ng kayang magiging manugang? Mabuo pa kaya ang pamilyang kanilang inaasam?

( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …