Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Mayor muntik matodas ni ex-general dahil sa politika?

THE WHO ang isang dating alkalde ng Pampanga na muntik nang makatay ng kanyang kaibigang retiradong Heneral dahil lamang sa politika.

Tinaman ng magaling talagang eleksiyon ‘yan!

Ayon sa ating Hunyango, tumakbo pang  Kongresista si ex-mayor noong 2013 pero minalas dahil siguro wala na sa kanyang puwesto ang kanyang kakamping Presidente.

Har har har har har!

Samantala ang kaibigan naman nitong ex-general ay masasabi raw na mandirigma noong kapanahunan niya at hanggang sa kasalukuyan ay parang panabong na manok na kumikikig pa  kahit amoy lupa na!

Hak hak hak hak hak!

Hayan nailatag ko na ang katiting na background ng dalawang magkaibigan na pare-parehong wala na sa puwesto kaya simulan natin kung bakit muntik nang ma-dedo si ex-mayor.

Ganito po kasi iyon, si ex-general tumaya sa isang presidentiable, habang si ex-mayor doon din naman tumaya pero lumalaro sa takbo ng politika kumbaga sa pula sa puti siya.

In short wais!

Parang mas maganda yata oportunista!

Wahahahahahahaha!

Ang nangyari natalo ang manok nilang magkaibigan at nagkainuman sila sa isang condo riyan sa likod ng Quezon City Hall kasama ang iba pang katoto.

Habang nagkakainuman, nagkapikonan ‘yong dalawang matanda matapos sabihan ni ex-general na sampid lang naman si oportunista ehek si ex-mayor sa sinuportahan nilang presidentiable dahil may iba pa siyang sinuportahan!

Naloko na!

Sa puntong iyon nagkainitan na ang dalawa kung kaya’t bumunot ng baril si mandirigmang Heneral mabuti na lamang at nagkaawatan dahil puputukan talaga si oportunista!

Santisima Trinidad!

Pero hindi pa natatapos doon ang eksena kasi bumaba si Heneral sa parking lot at saka iniharang ang kanyang sasak-yan sa sasakyan ni mayor bago inabangan para hindi maka-eskiyerda!

Kumbaga talagang totodasin!

Paktay kang bata ka!

Mabuti na lang ‘yong ibang kaibigan ng dalawa natunugan ang ginawa ni Heneral kung kaya’t pinasakay na lang sa ibang sasakyan si ex-mayor at nakahulagpos sa karit ni kamatayan.

Abot-abot daw ang pasalamat ni ex-mayor sa mga kaibigan niya at pinagpa-wisan kahit naka-eskapo na sa lugar.

Kasi naman e walang ganunan para ‘di ka malagay sa alanganin!

Boink!

WHO-laan n’yo na kung sino ‘yang dalawang iyan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …