Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sipol ni Regine, mas mataas kay Duterte

NAGING parte ng kuwentuhan sa set visit ang pagsipol ni  President-electRodrigo Duterte sa news anchor na si Mariz Umali, na ikinasama ng loob ng kanyang asawang si Raffy Tima.

Dahil dito, pabiro naming tinanong si Regine Velsquez-Alcasid na paano kung siya ang sipulan ni Duterte? Ano ang gagawin niya?

“Hindi ko alam, ha!ha!ha!,” pakli niya.

“Sisipulan ko rin,” pagbibiro  niyang sagot.

Mas mataas ang sipol  niya?

“Oo…’yun lang. …,” natatawa pa rin niyang tugon.

“May kada iba ‘yung tunog, parang sofa lang ha!ha!ha!,” hirit pa niyang nakikipag-joke sa movie press sabay hampas sa hita.

Kinuha rin ang reaksiyon ni Regine sa intrigang banned siya umano sa Smart Araneta Coliseum dahil hindi raw  si  Secretary Mar Roxas ang sinuportahan niya bilang presidente. May tsikang hindi na raw siya puwedeng mag-perform sa Araneta?

“I don’t think naman it’s true. I don’t think so,” pahayag niya.

“Besides, anong gagawin ko, hindi ko naman talaga siya isu-support, ano ang isasagot ko? Sinabi ko lang talaga na hindi. Wala naman akong sinabing masama,” bulalas pa niya.

Sinabi lang daw niya na may susuportahan siyang iba dahil ang mister niya (Ogie Alcasid) ay sumuporta rin kay Senator Grace Poe.

At saka, ilang years na ring hindi nagpe-perform si Regine sa Araneta dahil palaging sa MOA Arena ginaganap ang concert niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …