SINAGOT ni KC Concepcion sa kanyang Twitter account ang isang basher na nagsabing laos na siya dahil wala raw siyang project ngayon, hindi siya napapanood sa teleserye o pelikula.
Ayon sa dalaga ni Sharon Cuneta, masaya naman daw siya kahit wala siyang proyekto. Hindi lang naman daw ang kanyang career ang tanging nagpapasaya sa kanya.
Ayon nga sa twitter post ni KC, ”Why can’t people understand that I love my life right now? Do you have to accept movie or teleserye projects to be able to say you’re “happy?” It’s not all about career. Sometimes you have to pay attention to other aspects of your life and those are the things that money can’t buy. And for the record, I’m still under contract with ABS-CBN and so grateful that they have given me this time to guest and host TVd projects.”
Pagkatapos sagutin ni KC ang kanyng basher ay binura na ng huli ang hindi magandang komento niya tungkol kay KC.
MA at PA – Rommel Placente