Friday , November 15 2024

Garbage Collector/S: QC vs San Mateo, Rizal

WALA tayong intensiyon na sirain ang mga nagrorondang garbage collector sa Quezon City, sa halip nananawagan tayo sa mga kinauukulan ng lungsod partikular sa kaibigang si Bistek este, Mayor Herbert  Bautista para malaman niya ang ‘mabahong’ estilo ng nakararaming garbage collector sa Kyusi.

Hindi natin alam kung aral sa mga pulis (pasensiya na sa mga pulis na natatamaan) o kung aral sa mga ‘magnanakaw’ at ‘kotongerong’ kawani at opisyal ng QC Hall ang mga garbage collector ng Kyusi.

Pero ano pa man, saludo pa rin tayo sa mga garbage collector dahil sinusunod naman nila ang schedule ng pangongolekta – sinusunod ang pinaiiral na garbage segregation. Kapag hindi segregated ang basura ng isang residente, ito ay hindi nila kinukuha kaya maraming residente ang napipilitan at natutong maghimay ng basura dahil kung hindi mamamaho ang kanilang bahay.

Okey naman pala ang mga garbage collector sa Kyusi pero ba’t may mga negatibong komento laban sa kanila o masasabi bang ilan sa kanila?

Paano po kasi, ‘police character’ na ang ilan sa kanila – ‘nangongotong’ na rin.

Halimbawa, kapag araw ng Lunes, mga nabubulok lang ang kanilang kukunin pero bago buhatin ay kinakailangan pagbigyan mo ang gusto nilang ‘barya-barya’ muna. Piso? Dalawang piso? Dehins ubra sa kanila ito – nakasimangot sila at pagkatapos kanilang pariringgan ang residente… “Baka may dagdag naman diyan.”

Barya nga lang iyan, hindi kabawasan o mabigat na iaabot sa kanila pero ang estilo nila kasi ay bulok. Isang paraan ng pangungurakot na rin ito. Ang dapat hintayin nilang kusang-loob na magbigay ang mga mag-aabot sa kanila.

Ang masaklap pa nga riyan, tinatandaan nila kung sino ang kuripot, kung sino ang hindi nagbibigay at higit sa lahat, tatandaan kung sino ang ‘nauuto’ nilang magbigay nang maayos.

Kapag kuripot ka o talagang hindi sang-ayon sa ‘barya-barya’ lalagpasan nila ang inyong mga basura lalo na kapag hindi ka nakabantay. Kahit nga abutan mo sila ng mga naipon mong kalakal, aba’y nagpaparinig pa sila ng barya-barya pa riyan.

Hindi lang sa ganitong paraan ang estilo ng pangongotong ng ilan, kundi ginagamit din nila ang ‘garbage schedule.’ Kapag araw ng nabubulok at ang mga itatapon mo ay hindi nabubulok, hayun kukunin nila ito sa kondisyong magbigay ka sa kanila ng ‘papel’ o marami-raming barya – hindi tigpipiso at depende sa dami ng itatapon mong wala sa schedule o lalo na kapag halo-halo ang basurang itatapon.

Tulad ng nabanggit, barya o maliit na bagay lang ang hinihingi nila pero, mali ang paraan ng paghingi nila ng ‘tip’ o iaabot sa kanila. Kotong na kasi ang estilo nila.

Habang sa San Mateo, Rizal, milya-milya ang layo ng ugali ng mga garbage collector dito laban sa QC. Hindi sila nanghihingi, hindi sila nagpaparinig, hindi sila nagrereklamo, hindi sila nagongotong at sa halip, hakot nang hakot lang ang mga sila. Wala kang maririnig na reklamo.

Bukod nga sa pagbusina para pagbibigay hudyat sa mga residente na naroon na sila para manguha ng basura, kumakatok pa sila sa mga bahay na wala pang nailalabas na basura.

Ganoon ang mga garbade collector ng San Mateo, Rizal. Ganoon sila dinisiplina nina Mayor Rafael “Paeng” Diaz na ngayon ay Vice Mayor at Mayor Tina Diaz.

Kaya ang nangyayari, maraming residente ang boluntaryong nag-aabot ng tip sa kanila ng barya at walang naririnig na reklamo mula sa kanila. Kung minsan ang tip lang na hinihingi nila ay malamig na tubig.

Kaya kapag Pasko, kapag namamasko ang mga garbage collector sa San Mateo, maluwag sa puso ng mga residenteng nagbibigay ang kanilang pag-aabot ng aguinaldo.

Habang sa Quezon City, taliwas ang lahat kaya, kapag Pasko bihira o barya lang ang iniaabot sa kanila dahil hindi sila deserving. Pero iyong matitinong basurero, tiba-tiba sila mula sa mga natutuwang nagbibigay dahil okey ang kanilang serbisyo at hindi nangongotong.

Uli hindi ko sinisiraan ang mga garbage collector ng QC, sa halip ay ating ginigising ang kinauukulan ng QC government lalo na ang departamentong may hawak sa pangongolekta ng basura sa lungsod.

Pero in fairness, sa matitinong garbage collector naman sa QC, saludo kami sa inyo. Napakalaking tulong kayo sa kapaligiran.

At sa umiikot naman sa San Mateo, Rizal, sana’y patuloy ang inyong pagbibigay ng magandang serbisyo at magandang ugali sa mga residente ng bayan.

Saludo po ang mga residente ng San Mateo sa inyo. God Bless.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *