Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
toni gonzaga

Toni, moody sa Home Sweetie Home

“MEDYO moody siya ngayon,eh. Ha!ha!ha! Akala mo ako asawa, hindi naman ako ‘yung asawa,” sambit ni John Lloyd Cruz ng pabiro.

“Walang pagbabago. Si Toni has always been professional, wala namang nagbago kahit buntis siya. ‘Yun lang ‘yung takbo lang ng istorya medyo, I think sa creative area, nagkaroon ng kaunting… siyempre kailangang mag-adjust. Kailangang mag-adopt doon sa situwasyon. Hindi naman sila nahirapan yata,” bulalas pa ni Lloydie.

Masaya rin si JLC sa feedback ng sitcom nila ni Toni Gonzaga na  Home Sweetie Home na umabot na ng dalawang taon at kalahati. Consistent din itong nasa top 10 highest ratings sa mga show ng ABS-CBN 2.

Ngayong Sabado ay guests si Malou de Guzman. Tungkol naman sa pagbubuntis ni Julie (Toni)  ang focus nila. Dahil gustong-gusto na talaga magka-baby nina Romeo at Julie, minabuti ni Nanay Loi na imbitahin ang mga kakilalang deboto (Malou) ni Padre Pio. Para ipagdasal na mabiyayaan na ng bagong miyembro ang kanilang pamilya. May box din silang paghuhulugan ng papel na sinulatan nila ng wish. Tapos na gumamit ng scientific method ang mag-asawa kaya ipinagdarasal na lang nila ngayon na matupad ang kanilang wish.

Tuluya na kayang mabuntis si Julie?

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …