Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Major revamp sa PNP

NGAYON pa lang, -kabado na ang ilang miyembro ng Philippine National -Police (PNP) dahil sa -deklarasyon ni incoming President -Rodrigo Duterte na ang mga probinsiyanong mga pulis gaya ng naka-talaga sa Compostela -Valley ay -dadalhin sa Kamaynilaan at ang mga nasa Maynila ay ilalagay sa mga probinsiya.

***

KUNG may katotohanan man ang pahayag na ito ni Duterte, maganda ito ngunit sa aking karanasan bilang police beat reporter, kapag galing sa probinsiya nagiging “Pacman” -pag-dating sa Maynila.

Ibig kong sabihin, mas matatakaw, sabik sa lahat ng bagay partikular sa mga pagkakakitaan.

***

ANO ang magagawa ng isang pulis-probinsiya kung ‘di naman siya gala rito sa Kamaynilaan? Baka siya mismo ay maligaw? Paano kung may responde sa isang lugar, kailangan pa ba gumamit ng mapa ang probinsiyanong pulis? Nakatatawa ‘di po ba?

‘Di ba dapat mas -mainam na kung tagasaan, doon ilagay ang isang pulis -dahil mas kabisado niya ang pasikot-sikot na kalye!

***

PARANG mahirap paniwalaan na mas katiwa–tiwala ang pulis-probinsiya kaysa laking Maynila dahil darating ang araw, matu-tuto rin ‘yan, baka pati hepe, mas matakaw at bukulan ang kanyang mga tauhan!

Pag-isipan po ninyo -incoming President!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …