Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dominic, ‘di kailangan ng backer para magka-project

KUNTENTO at happy si Dominic Roque sa exposure niya sa Tatay Kong Sexy na showing ngayong June 1. Pinagbibidahan ito nina Senator Jinggoy Estrada at Maja Salvador. Introducing sa movie si Dom kasama si Jolo Estrada.

Fresh na fresh pa siya sa pelikulang ito noong ginawa niya ito na mayroon ng dalawang taon ngayon.

Ayon kay Dom, hindi naman daw siya naghahanap ng backer sa mga proyektong ginagawa niya kahit malapit siya kina Judy Ann Santos, Vice Ganda atbp.. Dumadaan siya talaga sa audition at tamang proseso para sa kanyang role.

May tsikang may nililigawan ngayon si Dom na taga-showbiz pero ayaw niyang idetalye. Ang press release niya kahihiwalay lang nila last month sa non-showbiz girlfriend niya na umabot ng tatlong taon ang relasyon.

Tinanong  din si Dom  kung may  sex video ito dahil maraming male actors ngayon ang may scandal. Hundred percent daw ay wala.

Aware raw siya na naire-record pag nakikipag-chat at nakikipag-cybersex kaya hindi niya ginagawa. Sey pa nga niya, hindi raw dapat nakukunan ng kamera ang mukha ‘pag ginagawa iyon. Pero idiniin din niya na hindi rin niya sinubukan na makipag-cyber sex na hindi kita ang mukha.

Inamin din ni Dom na nakatatanggap siya ng mga indecent proposal na ang offer ay bahay, kotse, at malaking pera. Thru a friend daw ang alok. Tinanggihan daw niya ito at umiwas  na rin siya sa kaibigan niyang bugaling na nakakalaro niya rati ng badminton. Nakakapagtrabaho naman daw siya ng maayos at nabubuhay ng maayos. Hindi naman daw siya naghahangad ng sobrang angat agad sa buhay. Pinagtatrabahuan daw niya kung ano ang gusto niyang bilhin.

Anyway, kasama rin sa Tatay Kong Sexy sina Empress Schuck, Bayani Agbayani, Beauty Gonzales, Nathalie Hart, at Vangie Labalan. Last movie naman ito ni Mark Gil. Ito ay sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …