Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, inayos na ang problema nila ni Jason

INAMIN nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na mayroon silang pinagdaanan bilang mag-asawa pero inayos nila. Kakulangan sa oras ang dahilan. Si Melai ay abala sa kanyang serye na We Will Survive with Pokwang at mayroon pa siyang morning show. Sa sobrang work nila, halos sa pagtulog na lang sila nagkikita.

Bahagi ng post nila sa kanilang Instagram account:

“Ang totoo po ay may pinagdaraanan po talaga ang Melason, pero lumaki lamang ito dahil sa naikuwento namin sa mga ilang tao at Melason fan. Nagkataon naman po na nakuha o na-hack po talaga ang Instagram Account ng Melason.

“Alam namin (Melason) na pagsubok lamang ito. Dahil din siguro ‘di na namin nagagawa ang aming bonding palagi dahil sa sobrang trabaho po namin, na halos sa pagtulog na lang kami nagkikita. Ito ay pagsubok sa mag-asawa pero ‘di po namin hahayaang maghiwalay dahil lang sa maliit na tampuhan. Mahal na mahal po namin ang isa’t isa at marami pa kaming pangarap sa aming pamilya .Huwag po kayo mag-alala, ang Melason ay nagmamahalan at ‘di po kami papaapekto sa showbiz at social media.”

Well, sana nga ma-survive nila palagi ang anumang tampuhan na nangyayari sa kanila.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …