Thursday , December 26 2024

Mga ‘holdaper’ na taxi driver sa MOA

NOON bagong tayo pa lamang ang dambuhalang Mall of Asia sa lungsod ng Pasay, sobra ang higpit ng security, ang mga taxi cab ay hindi puwedeng magsakay basta-basta, merong accredited na mga taxi na pumipila, at ito ang pinupuntahan ng mga pasahero buhat sa pamimili sa loob ng SM department store, o sa ibang establisyemento, at walang nangongontratang taxi drivers.

***

Ngayon, kahit saan ay puwede nang pumik-ap ng pasahero ang mga taxi, ang masakit kapag rush hour, dakong 6, 7, 8 ng gabi, nakatambak na ang mga nakaparadang taxi sa labas ng main entrance ng MOA.

Kung inaakalang makasasakay agad? Hindi po, dahil ang mga letseng driver, sarado ang mga pinto, naka-lock, style nila ibababa ang bintana, at sabay tanong saan kayo? O saan ka?

‘Pag hindi nila kursunada ang destinasyon ng pasahero, sabay iling at sara ng automatic window ng taksi. Minsan naman bukas nga ang pinto ng passenger seat pero ‘pag nalaman agad na hindi gusto ang destinasyon ng pasahero, makikita ang pasahero na lalabas ng taksi at galit na isasara ang pinto ng taksi!

***

Bakit pinahihintulutan ngayon ito ng management ng MOA? Kung dati ay anong higpit nilang sumunod ang mga mamimimili kung asan ang pila ng taxi cab, bakit ngayon ay puwede na kahit saan? Maganda sana dahil ‘di na mahihirapan ang mga namili, ang masakit, hindi nakame-menos sa pasahe ng taksi ang pasahero, dahil puro ‘kontrata’ ang gustong mangyari ng mga drayber.

***

Kagaya ng nasaksihan natin na habang nag-aaway ang isang pasahero at drayber ng taksi na tumangging isakay, nakatingin lang ang securiy guard. Nabuo sa isip namin may ‘malansang’ nangyayari sa drayber at security department. Magkano?

Nakita na may hawak na bolpen at papel ang security guard at inililista ang plaka at pangalan ng taksi, hindi  kaya ginagawa ito ng security hindi dahil sa kaligtasan ng pasahero, kundi upang di makalusot ang mga taksi na nakakuha ng kontratang pasahero sa mga destinasyon nito? Hindi pa natin batid kung ano ang negosasyon sa pagitan ng security guard at mga taxi drivers, na gusto ay puro kontrata!

***

Paglapit naman sa pilahan ng taxi, nakita ang isang pasaherong babae na tinanggihan ng taxi driver ng MGE. Ang babae na itatago natin sa pangalang Dianne ay nagpapahatid sa Taguig, ngunit tinanggihan siya gayong nakapila. Ano ba talaga ang dapat gawin ng mga pasahero? Saan ba sila tamang sumakay ng taksi na hindi holdaper ang mga drayber?

Pati sa pilahan, kung hindi tumanggi ang drayber, kokontratahin naman ang mga pasahero! Alam kaya ito ng management ng MOA? Hinala namin may blessing sa chief security ng Mall of Asia ang mga kontratista at holdaper na taxi drivers.

Ano sa palagay ninyo, mga ‘igan?

Lahat pera ang gumagana

Mahirap ka na nga, wala pang hustisya!

Ito ang kadalasang naririnig sa mahihirap nating kababayan, na humihingi ng hustisya sa mga krimen na kanilang kinakaharap, kadalasan, walang kasalanan, kung rerebisahin ang kaso, may laban, ngunit napapawalang-sala ang may kasalanan. Ang mahirap na tao na lumalaban nang walang pera, kadalasan nauuwi sa wala ang ipinaglalaban. Hindi ba kaya nga may abogado ay para ipaglaban ang karapatan? Pero bakit ganon, kahit may abogado, pero walang pera, natatalo? Dahil mahina ba ang ang abogado? O dahil nabili ang iyong abogado? O nabili ang huwes? Kadalasan sinasabi mahina ang ebidensiya, kaya natalo. Isa kasi ‘yan sa proseso ng anomang kaso, ebidensiya! Magastos yata ang humanap ng ebidensiya, kakausapin ang iyong testigo, papangakuan ng dapat ibigay, kung wala kang pera, walang tetestigo! Olat ka sigurado sa kaso! Pero meron namang may laban talaga, mapera ang kalaban, natatalo! Ang lahat nang iyan ay dahil sa kakulangan ng pera!

 ***

Ngunit kapag ang kaso ay sensational na kinabibibilangan ng matataas na tao ang sangkot, bakit nabibigyan ng hustisya? Dahil nakatutok ang media. Dahil sa media, binabantayan, kaya di makagalaw ang pera. Paano na ang mahihirap, o walang sapat na salapi? Sana mabago ang sistemang ito, na ang mahihirap ay makakita ng hustisya!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *