Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clifford, uuwi ng ‘Pinas para mag-record ng 2nd album

MARAMI tayong kababayan ang gustong umuwi sa Pilipinas dahil  sa sinasabi nilang ‘change is coming’ sa bagong admistrasyon ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Isa na rito ay ang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala. Bagamat nagkaroon siya ng chance na magkaroon ng mga show sa US, excited na siyang umuwi sa ‘Pinas sa darating na September. Nabigyan daw ng bagong pag-asa ang mga Pinoy sa pamumuno ni Duterte. Sana raw ay mapagtuunan din ng pansin ng bagong Pangulo ang ikakaunlad ng music at movie industry. Hindi lang droga ang kailangan niyang sugpuin kundi pati ang mga pirata.

May nilulutong solo show si Clifford sa pag-uwi niya sa Pilipinas. Gusto rin niyang asikasuhin ang kanyang second album. Matatandaang na-nominate si Clifford sa PMPC Star Awards for Music bilang Best New Male Recording Artist noong 2013.

Bago tumuloy sa Pilipinas si Clifford ay dadaan muna siya sa Macau at Hongkong sa Agosto. Gusto niya munang maka-bonding ang mga friend niya roon. Dating nagtatrabaho si Clifford sa Venetian  Hotel sa Macau at na-feature sa MMK ang kanyang life story na ginampanan ni Erik Santos bilang OFW singer. Isinakripisyo niya ang trabahong ito noong magkaroon ng conflict sa schedule dahil sa mga show sa US. Hindi naman nagsisisi si Clifford dahil pabalik-balik na siya sa mga show sa Amerika. Sa sarili niyang diskarte at pagpupunyagi ay patuloy na lumalawig ang kanyang singing career.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …