UMAASA pa pala si Conrad Onglao na magkakausap pa rin sila ni Zsa Zsa Padilla at maaayos pa rin ang naging problema sa relasyon nila na naging dahilan para maghiwalay at magkabalikan eventually.
Ang singer/actresss daw kasi ang masasabi niyang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.
Well, kapag nakarating kay Zsa Zsa ang naging pahayag na ito ni Conrad, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?
Pagbigyan kaya ni Zsa Zsa ang kagustuhan ng dating minamahal na magkausap sila at ayusin ang naging problema sa relasyon at ‘pag nagkaayos ay magbalikan sila?
Pero mahal pa kaya ni Zsa Zsa si Conrad para umasa ito na magkabalikan sila?
MA at PA – Rommel Placente