KAPANSIN-PANSIN ang pagiging “starless” ng show ng isang sikat na aktres. Problemado nga kasi ang production staff nito na makakuha ng magge-guest sa show dahil na rin sa record nito sa pagkakaroon ng maldita attitude towards her fellow actresses.
To make matters worse, out of curiosity lang ng viewers kung kaya’t nag-rate ang pilot episode nito, at ang mga sumunod na pagtatanghal nito’y pupulutin na sa kangkungan ang naitalang ratings katapat ng movie block sa kabilang channel.
To the rescue naman ang iilan lang namang kaalyadong reporter ng aktres, na kesyo with or without a show ay mataas pa rin naman daw ang TF (talent fee) ng aktres.
‘Yun na nga ang dapat ikahiya ng aktres who gets paid a hefty sum gayong hindi ‘yon katumbas ng dapat sana’y bonggang ratings na inaasahan sa kanyang show. And make it two shows, ha?
Dahil noong bumalik siya sa isa niyang lingguhang show ay naapektuhan na rin ito ng poor ratings.
Aminin na kasi ng aktres na ito na itago na lang natin sa alyas na Marilyn de Vera na tapos na ang kanyang heyday sa TV. Entonces, ipahubad na rin sa kanya ang ikinabit na bansag sa kanya na wala nang patotoo!
( Ronnie Carrasco III )