Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael si Edgar Allan ang naging gabay sa pag-arte

FINALLY, after almost a year ay maipalalabas na ang pinakaaabangang gay-themed movie na Pare Mahal Mo Raw Ako na hango sa Himig Handog P-Pop Lovesongs 2014 entry of the same title interpreted by  Michael Pangilinan, na siyang bida rin sa pelikula katambal si Edgar Allan Guzman na gumanap na gay best friend na na-inlove sa kanya.

“Thank God at maipalalabas na finally sa malaking telon itong napakasayang pelikula naming ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’. Minsan na nga lang tayo nakaaarte sa screen, akala ko mauunsiyami pa. Ha!Ha!Ha!” natatawang sabi ni Michael.

Patuloy niya, ”Dito ko pa naman ibinuhos ang kaunting nalalaman ko sa pag-arte tapos natagalan pa bago maipalabas. Pero ngayon puwede na nating i-announce that we got the June 8 playdate na and that’s final.”

Aminado si Michael na noong una ay ayaw niyang tanggapin ang pelikula. Hesitant kasi siyang umarte dahil hindi naman talaga siya isang artista kundi isang singer.

“Pero nang ikuwento sa akin ni Direk Joven Tan (ang director ng pelikula) at ng manger kong si ‘Nay Jobert Sucaldito ang buod ng ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’, I told myself  to give it a try.  After all, minsan lang naman  mangyayari ito, eh, ‘yung pag-arte ko. And in fairness hindi ako nahirapang umarte dahil inalalayan ako ni EA (palayaw ni Edgar Allan) sa maraming scenes. Sa kanya ako nanghingi ng tips kung paano gagawin ang ibang eksena.”

Sa pelikula, hindi pinatulan o nakipagrelasyon si Michael kay EA pero hindi niya ito iniwasan, nanatili pa rin silang best friend. Sa totoong buhay ay maraming kaibigang bading si Michael pero wala ni isa man sa mga ito na nagtapat sa kanya na may gusto sila. Pero hindi raw nagsasara ng pintutan si Michael sa posibilidad na pumatol siya sa bading.

“Ayokong magsalita ng tapos na hindi ako papatol sa bading. Pero sa ngayon, hindi talaga hangga’t kumakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw.

“Pero hindi naman sa pera lang ang habol ko sa bading. Ang ibig ko lang sabihin ‘yung kapag walang-wala na ako, talagang naghihirap na ako, ‘yung wala na akong matatakbuhan, tapos may dumating na pagkakataon na may bading na nagkagusto sa akin na makatutulong sa akin, baka sakaling pumatol ako,”paliwanag pa ni Michael.

Bukod kina Michael at EA, kasama rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Martt Evans, Anna Capri, Katrina Legaspi, Nikko Seagal, Miggy Campbell, at Ms. Nora Aunor.

( ROMMEL PLACENTE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …