Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wilma at Jeric, ikakasal na

TULUYAN na ngang mauuwi sa kasalan ang pag-iibigan nina Edwin (Jeric Raval) at Wilma (Pokwang) ngunit isang pagsubok ang kanilang haharapin ngayong makikilala na ng huli ang kanyang mga magiging biyenan sa Kapamilya afternoon series na We Will Survive.

Nakatakda nang harapin ni Wilma ang mga magulang ni Edwin at susubukang patunayan na siya ay karapat-dapat para sa ng kanilang anak. Bagamat naikukompara sa dating asawa ng kanyang nobyo, hindi pa rin siya susuko at patuloy na ipakikita ang kagustuhang maging parte ng kanilang pamilya.

Samantala, unti-unti nang papayagan ni Maricel (Melai Cantiveros) na makipagkita si Pocholo (Carlo Aquino) sa anak nilang si Jude (Josh De Guzman). At kahit matindi pa rin ang galit na nararamdaman ni Maricel para sa kanya, hindi nawawalan ng pag-asa si Pocholo na makuha ang kapatawaran ng ina ng kanyang anak para sa ikabubuti ng lahat.

Ano ang gagawin ni Wilma para makuha ang loob ng mga magulang ni Edwin? Mapukaw kaya niya ang puso ng mga ito? Unti-unti na kayang bumalik sa dati ang samahan nina Pocholo at Maricel?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama, ang We Will Survive tuwing hapon, pagkatapos ng Tubig at Langis sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …