Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darrenatics, nangunguna sa Ultimate Fandom Challenge ng Wish 107.5!

00 SHOWBIZ ms mAKTIBO pala ang fans ni Darren Espanto, ang Darrenatics kaya naman sila ang nanguna sa pakontes ng Wish 107.5, ang Ultimate Fandom Challenge.

Nakatutuwa ang pakontes na ito ng Wish 107.5 dahil ang fans naman ang binibigyan nila ng halaga sa pakontes na ito. “Aside from recognizing the artist eh, kahit paano i-recognize natin ‘yung ating mga taong sumusuporta sa ating artist. Sa tagline nga namin, ‘behind every famous artist is a great fandom,’” ani John Erick Deocampo ng Wish 107.5.

Bale makakalaban ng Darrenatics ang Juanistas (The Juans), Dyfenders (Jason Dy), at Mowienatics (Morisette Amon).

Ani Jeck, magaganap ang labanan nila sa June 20 sa Smart Araneta Coliseum na magpi-perform ang mga artist kasama ang kanilang fans. Bukod ditto, mayroon ding patalbugan sa pagti-trend, lakas ng benta ng album, at online voting.

Sa kabilang banda, maglalaban-laban naman sa Wish Fandom Survivors para sa 4, 5, at 6 na puwesto ang fans nina Juan Karlos Labajo (Juan Karlos United Families Club), Francis Lim (Francisnatics), at Daryl Ong (Darylnatics).

Sinabi pa ni De Ocampo na ang mananalo sa Ultimate Fandom Challenge ay tatanggap ng P2.3-M.

Samantala, suki na pala Espanto sa Wish107. 5 dahil noong isagawa ng radio station ang kanialgn kauna-unahang award para sa upcoming at promising artists in the music scene noong January 26 nanguna ang The Voice Kids season 1 1st runner-up sa rami ng naiuwing award. Ilan dito ay ang Best Cover song, Ballad Song of the Year, at Original Song of the Year.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …