MAGPAPALUHA ang beterana at mahusay na actress na si Ms Perla Bautista sa napapanahong pelikula, na Mother and Son, Ang Kuwento ni Nanay hatid ng SMAC Television Productions at mula sa direksion ni Chrysler Malinay.
Gagampanan ni Ms Perla ang role ng isang inang gagawin ang lahat para sa kanyang dalawang anak na sina Justin Lee (Limuel) at Jestin Manalo (Lawrence ) na may brain tumor pero dahil sa sobrang hirap buhay ay nagkasakit at kalaunan ay namatay.
Habang ginagampanan naman ni Justin ang role ng nakatatandang kapatid ni Jestin na huminto ng pag-aaral para nagtrabaho na makapag- aral ang kapatid at para sa gamot nito.
At nang makatapos si Jestin at makapagtrabaho ay ito naman ang nagpaaral kay Justin hangang sa mapatapos nito at tuluyan na ring humina at namatay.
Maganda ang mensahe ng nasabing pelikula na talaga namang kapupulutan ng aral . Ginanap ang premiere ng night ng Mother and Son, Ang Kuwento ni Nanay sa SM Sta Mesa Cinema 9 last May 8, Mothers Day.
MATABIL – John Fontanilla