PINAG-UUSAPAN sa showbiz ang viral video ni Baron Geisler na nagwawala. Post ito sa Facebook ng Viscom-Fine Arts student na si Khalil Versoza. Nagtataka lang kami kung bakit kailangang magwala at mananakit si Baron dahil late ang script? Parang ang babaw samantalang bayad naman siya.
“Baron Geisler, wala kang karapatan na mag-beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong i-post ito. Para makita ng lahat na mali ‘yang ginagawa mo,” bahagi ng post ni Khalil.
Maraming komento sa Facebook at Twitter na scripted ito. Ang naturang viral video ay social media experiment.
Ilan sa mga comment na nabasa namin sa Facebook ay mula sa post ng talent manager na si Erickson Raymundo, ”I have a feeling that the viral video of a character actor is the actual project of the “victim” student. He will get an A+ for all the shares it generated. I am not sure though if it’s a good project for the actor. But i still hope that the video is not real.”
Comment naman ni Direk Joey Reyes, ”Now this thesis BETTER have a most valid hypothesis in order to convince me that such projects have any value aside from perpetuating online sensationalism. This is actually upsetting if it is meant to serve an academic purpose because it perpetuates a preconceived reputation of the actor.”
Reaksiyon naman ng talent manager na si Perry Lansigan, ”Most likely. Looks staged.”
Sey naman ni Direk Antoinette Jadaone, ”Thesis ng student from UP! Staged. Social experiment daw. At the expense of the actor!”
Ayon naman sa post ng showbiz writer na si Arneil Serrato. ”Social experiment nga lang ba ‘yung kay Baron Geisler? If yes, effective! Ito ang mga pruweba: 1. Hindi magwawala ng ganoon ang isang artista kapag late ang script, BAYAD SIYA!. 2. Pag may galit o nang aaway sa ‘yo at gusto ka nang sapakin, tatakbo ka na hindi na lilingon para iligtas ang sarili mo. 3. Kapag ikaw ay lango o bangag at may kaaway ka tapos nakita mong kinunan ka ng video, malapit ka na e, ba’t hindi mo kinuha ‘yung cellphone at binasag at sinapak ‘yung kumuha? Sa iyo Khalil. panalo ka rito.”
Kahit ang TV reporter na si MJ Felipe ay may komento rin, ”Confirmed thesis project siya. ‘Yan ang sabi ng source namin.”
Marami ang nalulungkot sa insidenteng ito para sa actor. Si Baron ang nababatikos ng netizens dahil sa viral video na ito. Kung set up ito at nagpagamit si Baron parang siya naman ang nasira at naging negatibo sa mata ng netizens.
Hinihintay namin ang panig ng kampo ni Baron para sa ikalilinaw ng isyu.
TALBOG – Roldan Castro