Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, nagwala, nagmura at nang-away ng estudyante

NAGWALA na naman pala si Baron Geisler. Kumalat ang video niya sa social media where he was captured na nang-aaway sa isang guy. Naging viral ang  video at talagang pinag-usapan.

Isang Khalil Verzosa ang nag-post ng video on his Facebook account showing Baron na nakikipag-away sa isang student. Nagmura ang actor, sigaw nang sigaw at galit na galit.

“We had a school prod for an editorial design campaign, we got him to act, pumayag siya, tapos inayos namin yung script, natagalan ng mga ilang oras at since students kami daming ginagawa so we were pressed with time, late nakapagcoordinate kay baron kaya late yung script na nabigay pero as a director, I made sure na morning ko masend na sa kanya at the very least, kasi maikli lang naman. natuloy kami at nagsorry nung dumating siya sa set pero nagpaparinig na siya na sana kasi maaga binigay yung script, so nagsorry pa rin kami kasi alam naman namin na kasalanan namin.

“It’s not right to pick on us, we’re a still student prod, we put our hearts into this production and advocacy, kahit ako pa ang nagwaldas ng pera para lang mabayaran yang TF niya, wala talaga kaming budget at nagkaroon pa ng kaunting aberya. Baron Geisler, wala kang karapatan na mag beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong ipost ito. para makita ng lahat na mali yang ginagawa mo.”

‘Yan ang explanation ni Khalil sa video.

Ang daming naloka sa bagong kontrobersiyang kinasangkutan ni Baron.

May nagsabing bakit kasi siya pa ang kinuha, eh, may attitude problem.

There was one guy na nanghihinayang kay Baron dahil ang galing-galing nitong actor pero tila may problema palagi.

Hindi kaya lasing si Baron nang mag-report sa set? Ano kaya ang kanyang problema? Kung ang pagka-late lang ng script ay napakababaw naman niyon.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …