IPINOST ni Bianca Gonzalez sa kanyang Instagram account ang pag-pump niya ng breast milk habang nanonood ng basketall game sa Oracle Arena kasama ang dyowang si JC Intal.
“It’s officially the most awkward place I have ever had to pump milk,” caption ni Bianca sa kanyang photo.
“But hey, the super large (Strength in Numbers) shirt makes for a great pumping cover up!” dagdag pa niya.
Marami ang tila naimbiyerna sa ginawa ni Bianca. Ang feeling nila ay nagpapapansin lang ang TV host. Umeepal daw ito at gustong mapag-usapan.
Kung maraming nanglait ay marami rin ang dumepensa sa TV host.
“We salute you, Bianca Gonzales, for practicing & promoting breastfeeding!”
“I salute your courage bianca. Thats something not all people can do. It just prove how much you love your child.”
“natural lang sa isang ina ginagawa ang lhat khit mapahiya man sila sa lhat ng tao sa mundo gagawin ang lhat para sa knilang anak.. I salute you Bianca.”
“Ganyan ang nanay…. marami na talagang magbabago pag nanay ka… wla kang pake basta sa anak mo…. breastfeed mom ako masakitbkasi yan kung di makadede ang baby kasi marami na ang gatas nya… salute to you bianca… at bilang isang nanay wla tayong di gagawin para sa anak natin.”
What’s wrong with you people? Hindi ba’t dapat papurihan si Bianca dahil ginagawa niya ang dapat gawin ng isang ina?
UNCUT – Alex Brosas