IDINENAY ni Louise Delos Reyes na mag-on sila ng vocalist ng bandang Halena si Champ Lui Pio.
“We’re friends. We’re just friends. And I’m a fan of Hale kasi kaya siguro nabibigyan ng kulay,” pagtanggi niya.
May pakiyeme pa si Louise na naka-commit daw siya sa work at kusang darating daw ang love. May right time raw para riyan.
“This year for myself and my work,” sambit pa niya.
Samantala,excited na ba si Louise na makitang hubad ang leading man niyang siJuancho Trivino sa mga eksena nila sa bagong serye ng GMA?
“Mayroon po kasi kaming viber group, nakaeeskandalo ‘yung ipinadadala niyang picture sa madaling araw,” pagbubuking ni Louise.
“Siyempre, inaantok na kami, nakakagising talaga ng diwa. Napapalunok laway na lang ako,” sey pa ni Louise dahil ipinakikita ni Juancho ang effort niya na ma-achieve ang maganda niyang katawan. Naniniwala rin si Louise na magtatagal ang tandem nila ni Juancho gaya sa nangyari sa kanila noon ni Alden Richards. At saka two years na rin daw na hindi sila nagkakatrabaho ni Alden. Promising daw ‘yung sa kanila ni Juancho dahil okey ang pakiramdam nila ‘pag nagkakasama. Swak daw ‘yung ugali nila kahit offcam.
Pero ngayong magkasama na sila sa serye, hindi kaya tuluyan nang ligawan ni Juancho si Louise?
“Hindi ko alam, hindi ko alam pero hindi ko siyempre isinasara ‘yung pintuan doon sa kung anumang puwedeng maramdaman namin at kung ano ang puwede kong mapasukan na relationship,” pakli ng young actor.
“Very attractive si Louise, may mga intimate scene kami na siyempre kailangan naming mag-holding hands, hug, mga ganoon,” sey pa niya.
Hindi ba siya nakatatanggap ng bash ang mga tagahanga ni Alden sa social media lalo’t ini-spoof niya ito sa Bubble Gang kasama si Denise Barbarcena.
“Nababalitaan naman natin na may mga basher pero sa mga ginagawa namin ni Denise, wala naman kaming natatanggap na pamba-bash,” tugon pa ni Juancho.
‘Yun na!
Sa wakas: Ina, nagwagi rin bilang vice mayor
PARANG Miss Universe Pia Wurtzbach ang kapalaran ng actress/model/ movie producer na si Ina Alegre (Jennifer Mindanao Cruz sa tunay na buhay). Si Pia ay tatlong beses sumali sa Bb.Pilipinas bago nakuha ang korona bila Binibining Pilipinas-Universe, ganyan din ang kapalaran sa politika ni Ina dahil pagkatapos ng tatlong beses na pagtakbo, ngayon siya nanalo bilang Vice Mayor sa Pola, Oriental Mindoro.
Hindi muna magiging aktibo sa showbiz si Ina dahil itututok niya sa pagsisilbi sa Pola. Gusto niyang palawakin ang tourism sa bayan nila dahil napakagandang pasyalan daw ang lugar nila na isang virgin island. Gusto rin niyang tutukan ang health ng bayan nila. Dapat daw ay walang bayad sa center nila ang manganganak. Gusto niyang i-ammend ang panukalang batas na ‘yun dahil hindi niya maitindihan kung bakit may bayad.
Sa mga hindi nakaaalam, taga-Pola Oriental Mindoro rin sina Ejay Falcon at ang dating Vice President Noli De Castro.
Hihingi ba siya ng tulong kay Ejay ngayong nakaupo siya para lalong makilala ang bayan nila?
“Okey naman. Si Ejay, patuloy ang pagtulong kahit hindi natin napapansin. Si Ejay Falcon iniintindi niya ang barangay niya every now and then nagdadala siya ng libreng.. kung anuman ‘yung mga sponsor niya dinadala niya roon. Napakabait niyang bata at alam ko makakasama ko siya lalo na pagdating sa turismo to promote bayan ng Polo,” sambit niya.
Nakatulong ba ang dating Vice President De Castro sa mga kababayan niya sa Pola rati?
“Noong time na ‘yun wala pa ako sa puwesto, hindi ko alam kung ano ang mga nangyari . May nakita ba ako? Siguro, hindi ko lang naramdaman dahil wala ako noong time na ‘yun. Pero for sure maraming naitulong ‘yan. Ang makasasagot niyan ay ang Mayor namin. Si Noli nirerespeto sa amin ‘yan,” pakli niya.
Anyway, tatlong araw daw mamamalagi sa Pola si Ina at apat na araw sa Maynila dahil kailangan din niyang asikasuhin ang pamilya niya. Nagbiro nga siya na baka palitan na siya ng mister niya ‘pag hindi siya nakita at mamalagi na lang siya sa Pola.
Samantala, naging kinatawan din si Ina sa Mrs. Universe 2015 na ginanap sa Minsk, Belarus. Nag-prodyus ng pelikulang Banal na naging official entrty ngMMFF noong 2007. Siya rin ang President/CEO: ng COMGUILD Center for Journalism Speech and Style.
Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Ina ay Banal, Ataul For Rent, Mumbaki, atNight Job.
TALBOG – Roldan Castro