MUKHANG palaban ang Twitter user na si @krizzy_kalerqui na idinemanda ni Robin Padilla ng online libel.
Hindi natinag ang hitad at tuloy pa rin ang kiyaw-kiyaw sa kanyang Twitter account.
“Bashing is subjectively hitting a particular personality. It is totally different from stating a generic and objective reaction. #THINK.”
‘Yan ang tila sagot nito sa demanda sa kanyang ng action star.
“It’s a picture/visual. Reaction was based on what I’ve seen! Bawal na ba magcomment ngayon? Martial Law again? #misskrizzyisinthenews,” dagdag pa niya.
Naimbiyerna si Robin nang i-post nito ang ganitong mensahe, ”This is a clear violation of election law! Throw him in jail as well. No one is above the law,”matapos makita ang post ni Robin ng isang shaded ballot. Ang paliwanag ng kampo ni Robin, hindi sa kanya ang ballot dahil hindi siya bumoboto.
“ang dami nagpost about that pero bakit ikaw lang ang nireklamo nya? Hahahaha,” say ng isang follower ni @krizzy_kalerqui na sinagot naman nito ng,”PRECISELY! #relevant.”
“HANAPIN NYO LAHAT NA MGA NAGCOMMENT DUN SA PICTURE!!! DUH!” pananaray pa ni @krizzy_kalerqui.
UNCUT – Alex Brosas