Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina Magdayao, walang panahon sa lovelife!

00 Alam mo na NonieMATAGAL na ring walang balita sa love life ni Shaina Magdayao. Limang taon na simula nang magtapos ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz, pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong naririnig na may bagong boyfriend na ang aktres. Ayon kay Shaina, dahil sa kawalan ng oras at sa rami ng trabaho kaya hindi siya nakikipag-date.

“Kasi, grabe talaga, everyday talaga ‘iyong trabaho ko ngayon. And wala kasi ito sa plano for 2016. We’re doing second season of Single/Single. Tapos, ginawa ko po iyong Dukot with Paul Soriano and Enrique Gil. Tapos, sumabay ito (My Candidate), nauna pa nga ito,” saad ng aktres.

Sa work muna siya naka-focus at willing namang maghintay para sa karapat-dapat na lalaking mamahalin niya. Handa naman daw siyang ma-in-love ulit, kapag dumating na ito.

“Oo naman, but honestly, Im not looking for it. Im just waiting for the right one.

“Maraming pini-pitch sa akin (na project) na I’ve never done before. Nagsimula itong My Candidate na never pa akong nakagawa ng role na ganito. So, I was really challenge and na-inspire ako,” saad niya sa isang panayam.

Dagdag pa ng aktres, “So, sa mga plots na ibinabato sa akin ngayon as in ibang-iba na naman. So, ang dami ko tuloy plano…. So, saan natin isisiksik si love. Work, work work iyong theme song ko ngayon. Next time na yung love, love, love, love…

“But you know kapag dumating siya, kapag gusto may paraan naman, puwede namang isabay, hindi ba? Wala lang pa, e, and I will tell everyone,” nakatawang saad pa niya.

Ipinahayag pa ni Shaina na may mga umaaligid naman sa kanya. Mali lang daw ang timing nito kaya loveless pa rin siya ngayon. “Marami rin naman. Pati mga non-showbiz din na hindi ninyo kilala. And actually I’m thankful na may mga nakaka-appreciate pa rin, but I guess it’s really the timing. Wrong timing siguro, kasi nga madami akong ginagawa.”

Showing na ngayon ang My Candidate ng Quantum Films na tinatampukan din nina Derek Ramsay, Iza Calzado, Nico Antonio, Ketchup Eusuebio at marami pang iba mula sa direksiyon ni Quark Henares.

Ayon pa kay Shaina, natutuwa siya sa magandang feedback sa team-up nila ni Derek.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …