Sunday , December 22 2024

20 pamilya nawalan ng bahay sa Pasay fire

NAWALAN ng bahay ang 20 pamilya makaraan tupukin ng apoy ang apat paupahang bahay at nadamay ang isang day care center sa sunog bunsod nang hinihinalang electrical short circuit sa Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi.

Base sa inisyal na ulat ni Pasay Fire Department Supt. Doug-las Guiyab, nagsimula ang sunog sa kisame ng inuupahang bahay ng isang Noli Tugade sa Advincula Street, Brgy. 26, Zone 4 dakong 10 p.m.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay na pawang gawa sa light materials. Umabot sa ikatlong alarma ang nasa-bing sunog sa lugar.

Bahagyang nadamay sa sunog ang Advincula Day Care Center bago tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog dakong 12:45 a.m.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *