Kap. Rose Gamboa, na-elect na bagong mayor sa Sta. Ana, Pampanga
Mario Alcala
May 12, 2016
Opinion
MAY kasabihan na try and try until you win.
Ito ang ginawa ni barangay chairman Norberto Gamboa bago niya nakamit ang pagkapanalo sa nakaraang May 9 local elections sa bayan ng Sta. Ana, Pampanga.
Sa nakalipas na electoral exercises sa kanilang bayan, naging closed fight ang laban ni Kap. Gamboa sa nakatunggaling si Tek Concepcion ng KMBLM party.
Sa lumabas na resulta ng bilangan ng mga boto noong May 10 (4:00pm), ang nagbigay ng tagumpay para legal na ma-elect na bagong mayor ng Sta. Ana, Pampanga si Gamboa, ang lamang niyang 61 votes.
Si Gamboa ay nakapagtala ng 9,320 votes samantala si Concepcion ay nakakuha ng botong 9,259 only.
Noong May 2013 local elections, unang sumabak sa mayoralty race si Gamboa sa nasabing bayan. Sa unang pagkakataon, hindi siya nagwagi sa nakalaban niyang incumbent mayor.
Si Gamboa na kilala sa bansag na “Kap. Rose” ay kasalukuyang barangay captain sa isang barangay sa bayan ng Sta. Ana. Isa siya sa cabeza de barangay na naglingkod nang taos puso sa kanilang komunidad nang maraming taon bago mahalal na alkalde.
Sa kanyang pagkapanalo, ipinararating niya sa mga kababayan niya sa Sta. Ana ang kanyang taos pusong pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanyang liderato.
Simula sa July 1, ang tawag kay Kap. Gamboa ay Honorable Mayor of Sta. Ana, Pampanga.
Mga unlucky candidates sa Pasay
TAPOS na ang local na halalan sa Pasay City.
Kapag may local na halalan, ang lahat ng kandidato ay nagdarasal na sana’y manalo.
Pero, sa bawa’t halalan, may panimula at may ending. May sinusuwerte at may inaalat. Nagdiriwang ang kandidatong nagwawagi. Ang talunan, ay umiiyak.
Hindi ko na babanggitin kung sino-sino sila dahil lahat sila ay luhaan.
Padaplis lang!!! Si Duterte ang pangulo
HINDI pa pormal na nauupong elected na presidente ng Republika ng Pilipinas ang nahalal na si Digong Duterte ay may iba nang kumakalat na usap-usapan.
May nagsasabing may isang grupo ng mga top retired generals ang nagla-lobby na kay Duterte para makakuha ng juicy position sa bagong gobyerno.
Sino-sino ang mga general??? Abangan!!!
Padaplis pa!!!
DAPAT sigurong imbestigahan ng Bureau of Immigration ang isang grupo ng mga Korean national na sangkot sa umano’y jungket operation sa Solaire Casino.
Sa kasalukuyan ang isa sa apat na Koreano si Yee Won Hee ay inireklamo ng isang Filipino na si Jayson delos Santos sa NLRC-NCR sa Department of Labor sa Quezon City ng taon kasalukuyan dahil sa paglabag sa labor code.
Ang reklamo laban kay Yee ay may docket number NLCR-NCR 04-05700-2016 at ang usapin ay nasa tanggapan ng NCR Arbitration Branch kay conciliator-mediator Tanya Tongio. Ang hearing ay itinakda sa May 26, 2016.
Si Delos Santos ay may ilang taon nang naglingkod bilang driver, empleyado ni Yee.
Teka, isang Pinoy na si John Jefferson na sinasabing alalay ng Koreano ang siyang pumapapel sa usapin.
May kasama pa raw pananakot kay Delos Santos.
Kung tutulong ka rin lang John, maging totoo ka ha! Pinoy na ang inapi, matapang ka pa!
Paging Bureau of Immigration (BID), paki-counter check ang mga pangalang Jing Myung Hyun, Park Byu Kyu, Gu Jung Hun.
May follow up pa…