SAKTONG-SAKTO ang tema ng bagong Quark Henares movie na “My Candidate” sa panahong sumasabay sa init ng araw ang balitaktakan at bangayan ng mga supporter ng kani-kanilang manok at ibinoto sa national election.
Pero ayon sa director, hindi naman tinalakay ng “MC” ang pangit na nangyayari tuwing eleksiyon gaya ng paulit-ulit na akusasyon na dayaan at bilihan ng boto.
Paniniguro ni Direk Quark rebelasyon ang galing ni Shaina Magdayao na first time lang sa ganitong rom-com movie pero ang husay magpakilig at magpatawa sa nasabing pelikula na palabas na simula ngayong Mayo 11 (Miyerkoles).
“Isang malaking challenge ang movie na ito for me dahil alam naman ninyo na laging drama ang ginagawa ko. Ako si Billie, isang communications/life coach ni Derek (Ramsay) na maraming lihim at nalulong sa drugs, boyish na ibang-ibang sa itsura ko.
“Kailangan kong i-detach ang sarili ko sa typical roles that I normally play. But with the help of my director and hip-hop mentor, sana ay naitawid naman. First time ko to sa rom-com. Alam naman ninyo na iyak nang iyak lang ako!” pahayag ni Shaina.
Ayon naman kay Direk Quark, hindi niya ma-imagine na ibang aktres ang papapel sa role ni Shaina.
“I love working with Shaina. I think siya lang ang artista na naka-work ko na inaaway ako tungkol sa character niya which I love. I can’t imagine anyone else in the role. I’m really, really to finally work with this talented young lady,” pagmamalaki ni direk Quark.
Nais ng director na ipakita sa movie ang fun side ng politics. Kaya naman kaaliw-aliw ang away-bati nina Shaina at Derek at ang romansahan nila ay siguradong bentang-benta sa manonood.
“We don’t want to become satire, too serious. May isang scene na laging nangyayari sa campaigning. Like pumunta sila sa isang birthday ni Mayor. Tapos, may opening prayer tapos may cross-dresser na host, tapos biglang may sexy dancers. Usual Filipino election in the Philippines,” pahayag ng director.
Isang ideal candidate ang natokang role kay Derek na hinubog ni Shaina sa public speaking at pakikiharap sa mga tao. Kalaban niya rito ang ex-girlfriend ni Derek na si Iza Calzado na lihim na pinagselosan ni Shaina.
Naka-take seven pala ang dalawa sa kanilang kissing scenes hanggang ma-perfect nila dahil pareho nilang ini-feel na nagmamahalan sila.
Kay Iza naman ay aliw raw siya sa kanyang maldita role, sa movie.
“First time akong gaganap ng ganitong role, isang todong maldita ang peg ko. Very ambitious ang character ko na dating boyfriend ko si Derek Ramsay sa story. At kahit nga dati kaming may relasyon pinili ko pang kalabanin siya nang kumandidatong senador, nag-senador din ako.
“Nag-enjoy ako sa bago kong character, tawag nga sa akin ni Derek, na first time ko pa lamang makatrabaho, halimaw daw ako sa pagka-scheming ng character ko. Pero ang sarap din namang katrabaho ang tulad ni Derek na napakahusay din at si Shaina na ngayon ko rin lang nakatrabaho, ay kamukha ko ring madalas na nagda-drama,” say pa ni Iza na puring-puri ang producer nilang si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na in full cash raw kung magbayad ng artista.
E ‘di wow gyud!
John Lloyd at Jennylyn certified King and Queen of Romance
JUST THE 3 OF US MAS HIT KOMPARA SA JADINE MOVIE
Kung pagbabasehan ang kuwento ng mga kapwa entertainment media na nakapanood na ng “Just The 3 of Us,” na kanilang isinulat sa kani-kanilang mga kolum, mas hit ang John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado kaysa movie nina James Reid at Nadine Lustre na “This Time.”
Pero infairness marami rin namang tao sa JaDine movie kaya lang mas puno raw ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Star Cinema movie na puwedeng humamig ng 300 milyon pataas hanggang sa last day ng showing at hindi pa kasama rito ang gross income ng international screening nito.
Nasa Malaysia ngayon si Lloydie para personal na makasalumuha ang fans. Ang maganda pa, bukod sa kilig na hatid ng bagong obra ni Direk Cathy Garcia-Molina sa moviegoers ay bagong timpla rin ng rom-com ang mapapanood at siguradong matatawa ang lahat lalo sa mga eksena ni CJ (Jennylyn) na nagmimistulang luka-luka sa kahahabol sa pilotong nakabuntis sa kanya na si Uno na ginagampanan nga ni John Lloyd.
Kumbaga bagong recipe ang first team-up na ito nina Lloydie at Jennylyn kaya’t kakatakawan ito ng mga manonood.
Wagi ng kalahating milyong piso
MACKIE CAO KAUNA-UNAHANG GRAND WINNER SA “JUST DUET”
Sa limang grand finalists na nag-compete last Saturday sa “Just Duet” na kinabibilangan ng Star Soloist ng Paco na si Alisah Bonaobra, Ruther Robosa – Voice Coach ng Pangasinan, Daniel Briones – Ballader ng Bocaue Bulacan, Louie Anne Culala – Teen Siren ng Ildelfonso at ang Top Vocalist ng Los Baños na nag-stand out ang performance sa mga judge, itinanghal ang kauna-unahang Grand winner ng Just Duet, na si Mackie Cao.
Lahat ng panel of judges sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto, Kuh Ledesma, Eugene Villaluz, Kitchie Molina at members ng The Company
na sina Annie Quintos at Moy Ortiz ay nagkaisa na taglay ni Mackie ang lahat ng qualities ng isang Diva na puwedeng makipagsabayan hindi lang sa naka-duet sa kantang “I Believe” na si Julie Anne San Jose kundi sa magagaling nating local artists.
Tumataginting na kalahating milyong piso ang napanalunan at naiuwi ni Mackie na malaking tulong raw sa kaniya at sa kanyang pamilya.
Sina Pia Guanio, Pauleen Luna at Ryan Agoncillo ang nagsilbing mga host sa nasabing finals.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma