Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI Strikes Again!

HINDI na mapipigilan ang NBI sa galing sa pagmo-monitor at surveillance sa hacker ng comelec website kaya nahuli ang batang-bata IT fresh grad.

Kasunod na trinabaho ang nalalabing suspect hacker at agad na iprinisenta sa media.

Talagang ipinapakita ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez kung gaano katatag ang pundasyon na inialay  niya sa pagseserbisyo thru hardwork. 24/7 magtrabaho at walang kapaguran.

Inspirasyon niya araw-araw ang kanyang pamilya sa pagtugon sa kanyang tungkulin. Tapat magserbisyo sa bayan.

Sa susunod na taon na siya magreretiro at balot ng sipag at tiyaga ang kanyang alaala sa NBI.

Marami siyang iiwanang magandang alaala na makakatulong sa NBI sa pagsugpo ng krimen.

Palagi n’yang sinasabi “Jim trabaho lang tayo at pansamantala lang tayo rito.”

Ang galing rin ng pamumuno ni chief Atty. Ronald Agudo at Executive Officer Vic Lorenzo na hulihin ang lumalabag sa cyber crime.

Kaya naman mas marami ang nagtitiwala sa NBI.

Si Director Mendez ay may puso at makabayan at may takot sa Diyos at may paninindigan sa tama.

Keep up the good  work NBI.

Mabuhay kayo and God bless!

***

Puspusan din ang pagtatrabaho ng mga tauhan ni BOC-EG Depcom Nepomuceno, kamakailan lang ay sunod-sunod na naman ang huli nila lalo sa NAIA.

Napakahusay ng pamumuno ni Depcom Ariel kaya inspirado ang customs police sa kanilang anti-smuggling operation.

Mandato ni Depcomm. Nepo na walang makalusot na illegal na kargamento lalo ang mga ipinagbabawal na gamot.

Wala silang papalusutin dahil subok at maaasahan lalo ang CAIDTF na sadyang mahusay sa paghuli ng Droga.

Kaya marami ang hanga sa kanila dahil walang mintis at lahat ay nagtatrabaho kahit itinataya ang buhay nila para masugpo ang pagkalat ng ilegal na droga sa ating bansa.

Hindi magsisisi si President Digong Duterte sakaling panatilihin pa niya si Depcomm. Ariel Nepomoceno sa Bureau of Customs.

Again, keep up the good work guys!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …