BUMAHA ang pera sa 2016 local elections.
Kitang-kita ang vote buying, mga Kapitan at kagawad ng Barangay ang unang kinakausap. Nasaan ang sinasabing ‘non-partisan’ dapat ang barangay?!
Dahil alam naman natin na hiwalay ang budget ng barangay officials.
****
Kapansin-pansin ang mga aklade at kongressman na walang kalaban na dapat ay hindi na gumastos, ngunit sa kagustuhang manalo ang kanyang buong kapartido, mas dumoble pa ang gastos!
Hindi gaya ng may kalaban, kung sino lang ang supporters, iyon ang tutulungan sakaling humingi ng tulong.
Kabaligtaran ng pangyayari, pati ang dating supporters ng mga dating kalaban ay kasama na ngayong bibigyan ng tulong.
Totoo ang kasabihan, kung wala kang pera, huwag ka nang tumakbo sa politika!
Bagong bise alkalde sa Pasay City
Sino ang mag-aakalang matatalo ng isang Noel “Boyet” del Rosario si three-term councilor at 2nd-term vice mayor Marlon Pesebre?
Nakapanghihinayang, ngunit matindi talaga ang karisma ni Mayor Tony Calixto, pati na ang utol na si Congresswoman Emi-Calixto Rubiano, magkatulong na dinala si Boyet para maging vice mayor ng lungsod ng Pasay.
Dahil sa pangyayaring pagkatalo ni Pesebre, namatay na ang kanyang political career. Nagbabantang tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang alkalde ng Pasay na ang makakalaban sana ay si Congw. Emi Calixto-Rubiano.
Topnotcer naman ng District I ang anak na lalaki ni Mayor Calixto na si Mark Calixto, habang si Konsehal Moti Arceo ang topnotcher sa District 2.
***
Sa wakas, nakapasok bilang konsehal sa Distrito I si Ricardo “Ding” Santos, na kung hindi nagmadali noon, baka naging Meyor na ng lungsod ng Pasay.
Isa lang ang hindi nakapasok sa partido ni Calixto sa District 1, si Margs Molina, na ikalawang pagtakbo na sa halalan, hindi talaga sinuwerte.
Dahil ang mister ni dating Konsehal Grace Santos, na si Tino Santos, apo ni dating Mayor Jovito Claudio ang nanalo. Gayon din ang anak ni ex-councilor Richard Advincula, na si Jerome Advincula, pinalad na manalo.
***
Nalaglag sa District 2 si Councilor Arvin “Bong” Tolentino, tanging si Councilor Allan Panaligan lamang ang nananalo sa grupo ni Pesebre, habang napuwesto muli si Aileen Padua para sa kanyang second term bilang Councilor, ngunit hindi pinalad ang kapatid na si Reynaldo Padua Jr.
Suwerte naman na nanalo si Joey Calixto Isidro pamangking buo nina Mayor Calixto at Congw. Emi. Apat na Calixto ang nagwagi.
Naniniwala na ba kayo sa lakas ng Karisma ng mga Calixto?
***
Isa sa pinakagrabeng karahasan na nangyari ngayong 2016 elections, ang pagkakapatay sa pitong kalalakihan sa Rosario, Cavite na pawang supporters ng nanalong mag-amang Ricafrente bilang Mayor at Vice Mayor ng nasabing bayan, ang mag-amang Voltaire at Nonong Ricafrente, na nasa partidong LP.
Senior citizens hindi napaghandaan