Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respeto ni Balot kay Nora, ‘di nawala

MUM about mom! Matapos na umiyak sa aming tanong ang Superstar na si Nora Aunor hinggil sa mga hinanakit sa mga anak ukol sa umano’y pagkalimot ng mga ito sa Uncle Buboy nila, ang una kong naisip eh ang ‘panganay’  niyang si Lotlot.

Para kompirmahin at usisain kung totoo nga ba na ni minsan eh, hindi nila dinalaw ang nakaratay sa banig ng karamdaman na tiyuhin nila, isang malapit na kaibigan ni Lotlot ang nagsabi sa amin na dahil Mother’s Day nga, nais pa rin ni Balot (tawag kay Lotlot) na manahimik na lang at respetuhin pa rin ang sinabi ng ina sa kanyang presscon.

Ang kaibigan nitong kapwa namin manunulat na si Rommel Gonzales ang nagsabing ayaw magsalita ni Balot about it pero may mga nasulat at naibahagi naman pala si Lotlot sa kanyang social networking sites. Magkasama sila sa bakasyon sa Kabisayaan.

At isa ito sa nagpapatunay na makailang beses nang dinalaw ni Lotlot at mga kapatid ang kanilang nakaratay na tiyuhin sa ospital.

Makahulugan nga ang mga ibinahaging hugot ni Lotlot sa kanyang FB account. Wala mang pangalan eh, alam mo ang gusto niyang tukuyin.

Lahat naman daw mula sa pinakamaliit, malalim o mababaw na dahilan ay ibinibigay niya sa mga taong mahalaga sa buhay niya.

Sa ilang pagkakataong nakita at nakasama ko na ang mag-iina, may mga bagay man silang hindi pinagkakasunduan, lagi na hindi kakikitaan ng pagmamalaki o pagkawala ng respeto ang mga anak ng Superstar para sa kanilang ina. Sa kalaunan, lumalabas pa rin na maganda ang naging pagpapalaki sa mga ito. Na siyang ibinahagi ni Lotlot na siyang tumayong ina ng mga kapatid niya sa mahabang panahon.

Komunikasyon ang isa sa mga bagay na nasabi ng Superstar na ayaw niyang mawala sa kanilang mag-iina. Siguro sa pagkakataong ito, naghihintay lang siya sa isang muling pagsasama-sama nila sa tabi ng kanyang pinakamamahal na bunsong kapatid na si Buboy!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …