Calixto Team ‘thanks’ Pasay City supporters
Mario Alcala
May 8, 2016
Opinion
NGAYON pa lang ay ipinararating na ng buong grupo ng Calixto Team 2016 sa pangunguna ni Mayor Antonino “Tony” Calixto at Boyet del Rosario ang kanilang taos pusong pasasalamat sa supporters at botante sa Pasay City.
Kung susuriin wala na rin kasing pinaglalaban sa lungsod ng Pasay kung sino ang magwawaging mayor, kongresista at konsehal sa nasabing bayan.
Nagkasabog-sabog at nagkahiwa-hiwalay na rin ang grupo na noon ay binuong opposition candidates sa Pasay. Nagkanya-kanya na sila ng lakad at ang ilan sa kanila ay nanahimik na lang sa kanilang tahanan sa takot na mabutas pa ang kanilang bulsa.
Dahil sa ganyang pangyayari, ipinararating na ng CALIXTO TEAM ang kanilang “many-many thanks” sa registered voters sa Pasay at sa mga kapitan ng barangay na nanindigang sumusuporta sa liderato ni Tony Calixto.
Ang nasagap nating balita, sa takdang araw ng halalan sa May 9 ay landslides, straight votes ang makakamit ng Calixto Team sa mga voting precincts sa Pasay.
Kahit kasi ikutan ang maraming sulok sa Pasay, ang maririnig ay ‘wala namang kalaban’ si yorme Tony at ang sister niyang si soon to be elected Pasay City congresswoman for the term na si Emi Calixto-Rubiano.
Mga konsehal na sure winners
SA 1st district ng Pasay ay wala nang makaaawat sa pagkapanalo sa halalan nina Mark Calixto, Ding “Taruc” Santos, Abet Alvina, Margie Molina, Tonya Cuneta at Jerome Advincula.
Nasa top of the line o nangunguna sa 1st district ang pangalan ni Mark.
Sa ikalawang distrito ng Pasay ay nasa top of the line ang pangalan ni Arnel “MOTI” Arceo na sinusundan nina Donna Vendivel, Wowie Mongera, Joey Isidro Calixto, Aieleen Padua at Rey Padua Jr.
INC local chapter in Pasay supports Calixto Team
POSITIBONG nakamit ng Calixto Team ang basbas ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC).
Kung hindi tayo nagkakamali, sa lungsod ng Pasay ay may sampung libo (10,000), ang miyembro ng INC na karamihan sa kanila ay botante sa Pasay.
Kaya ngayon pa lang ay tapos na ang eleksiyon sa Pasay.
Sa Lunes, May 9, ang final judgment para sa pambansang halalan.