Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bata at matanda, nababaliw sa JaDine

DUMATING na ang moment of truth. Hindi lamang ilalabas na ang unang pelikula nina James Reid at Nadine Lustre, matapos na umamin sila ng kanilang relasyon. Iyong pelikulang This Time ay maglalagay  sa kanila sa isang pagsubok, kasi nasabayan sila ng isa pang pelikulang Filipino. Pero honestly, palagay namin panalo riyan ang Jadine.

Bakit namin hindi sasabihing panalo iyong Jadine sa labang iyan, eh parang ang hawak mong baraha sa trailer pa lang ng pelikula ay isang king at isang alas. Tatalunin ba iyon maliban kung maka-five cards sila?

Nadadaan natin iyan sa biro, pero nakita kasi natin kung gaano kalakas ang suporta ng fans sa kanila. Bago iyong kanilang final presscon, nagkaroon sila ng activity sa Quezon City Memorial Circle, aba eh talo pa iyong political rally niyong “namimigay ng envelope” sa rami ng tao. Walang envelope na ipinamigay doon ha, kailangan pa nilang bumili ng beauty products para sila makapuwesto sa enclosure at makitang mabuti sina James at Nadine. Iyong iba kahit na malayo na sige pa rin sa kasisigaw at kakikilig. Aba, hindi namin nakita iyan doon sa politikong namimigay ng envelope kahit na naroroon ang kung sino mang love team at ang mga artista nilang malalaki ang talent fee.

Ano ang dahilan at kahit na bata o matanda nagkakagulo sa Jadine, sila pa ang gumagastos. Samantalang iyong ibang love team, parang nabantilawan na kahit na ang audience nila ay “nakatanggap na ng envelope”.

Ibig sabihin talagang matindi ngayon ang popularidad ng Jadine, at tandaan ninyo, hindi sila nag-endoso ng kahit na sinong politiko. Ang kapal nga ng mukha niyong isang vice presidentiable na ginamit pa ang pictures nina James at Nadine sa kanyang kampanya wala naman palang permiso.

Anyway, balikan natin iyong This Time. Napanood namin ang trailer niyan eh. Kalat naman kasi sa internet. Noong una nga hindi namin pinapansin. Pero noong makita naming milyon na ang nanood ng trailer, binuksan namin para malaman kung bakit ganoon karami ang interesado. Isa pala iyong feel good love story. Para bang iyong mga klasikong love story na talagang kinabaliwan ng fans simula pa noong araw. Kaya palagay namin magiging hit iyan. Iyang Jadine, malakas ang following ng love team na iyan. Kaya palagay namin kung minsan lang manonood ng sine ang isang tao, sila na ang panonoorin kaysa isang “experimental love team”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …