CLOSE talaga ang magtiyuhing Robin at Daniel Padilla. Magbarkada ang turingan nila.
Aminado si DJ (tawag kay Daniel) na malakas si Robin sa kanya kaya ‘pag iniimbita ni Mariel Rodriguez ang Teen King, dumarating talaga ito.
Sey din ni Robin na kunsintidor siya kay DJ .Nang tanungin naman sa Gandang Gabi Vice si Daniel kung saan siya kinukunsinti ni Binoe, pakli niya , “sa kabutihan.”
Rebelasyon naman ni Robin, “Siyempre bagong generation, mas maraming dala ‘to. Maraming sikreto ‘to.”
Pag-amin pa ni Robin, una siyang naging close sa ina ni Daniel na si Karla Estrada. Tinanong ni Vice kung siya ang nagreto kay Rommel para ligawan si Karla?
“Hindi, inagaw sa akin ni Kuya Rommel,” pag-amin niya sabay tawa.
“Mabagal ako eh, eh mas mabilis si Utol,” sambit pa ni Robin.
Inamin din niya sa GGV na hindi siya mahilig magsuot ng briefs. Turo daw ito ng tatay nila. Kaya ‘pag 30-anyos na raw si Daniel ay tuturuan na raw ni Rommel ito. Mukhang pabor naman si DJ sa tradisyon ng pamilya.
Abangan na lang kung susunugin lahat ni Daniel ang kanyang briefs sa tamang panahon.
TALBOG – Roldan Castro