Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipaglalaban ko ang anak ko — Melai

SOBRANG nasaktan ang star ng We Will Survive na si Melai Cantiveros sa nag-bash sa kanyang anak dahil lang sa pagsuporta nila sa isang presidentiable.

“Nawalan siya ng respeto. Kahit anong intinding gawin ko, hindi ko siya maintindihan. Sa akin, okey lang pero ‘pag tungkol sa anak ko, hindi puwede. Pagsasabihan mo ng masama, hindi normal ‘yung sinabi niya na ma-rape. No! no…no…Para sa akin, below the belt na kaya dapat talaga, magawan ito ng action na malaman niya na mali  ‘yung ginawa niya.

“Kung mag-sorry siya tatanggapin ko pero in behalf sa mga artista, alam mo ‘yung tahimik lang kasi ayaw nila ng gulo, ayaw nilang sumagot sa ganito pero ‘pag below the belt na, ay sorry ka, ina ako ako.. momsie ako, ipaglalaban ko ang anak ko. Kung mag-sorry ka naman tatangapin ko eh, mag-sorry ka lang,” deklara ni Melai.

Balak ni Melai na idemanda ang basher niya na supporter ng Presidential Candidate na si Rody Duterte  na nagngangalang Shawie Constantino Enriquez, dahil sa comment niya na sana raw ay ma-rape ang dalawang taong gulang na anak ni Melai.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …