Wednesday , December 11 2024

Erap natuliro sa “pagsabog” ng mga anomalya; Sabungan itatayo sa Manila Zoo, buking

HILONG-TALILONG na si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa sunod-sunod na pagsambulat ng kanyang mga anomalya sa Maynila.

Hanggang ngayon ay hindi makahanap ng paraan ang mga kampon ng sentensiyadong mandarambong kung paano ilulusot ang kontratang pinasok sa Metropolitan Zoo & Botanical Park Inc. (MZBPI) na ginamitan ng pamagat na “modernisasyon” daw (kuno) ng Manila Zoo.

Halos magkabuhol-buhol ang dila ng mga garapata niya at hindi alam kung saan hahagilap ng diretsahang paliwanag dahil pirmado ang kanilang among si Erap sa kopya ng mga dokumentong inilabas ni Mayor Alfredo Lim nitong nakaraang linggo.

Sa isang press conference, ibinulgar nang nagbabalik na alkalde ng lungsod Alfredo Lim ang kopya ng joint venture agreement (JVA) na nilagdaan ni Erap at kompanyang MZBPI na nakasaad ang pagtatayo ng sabungan at sugalan sa loob ng Manila Zoo.

Sabi ng mga kampon ni Erap, kesyo hindi raw ito inaprubahan ng sentensiyadong mandaramabong kahit kitang-kita ang lagda niya sa JVA at nakakapareho sa kontrobersiyal na Jose Velarde account na inako ni Jaime Dichaves. 

Napaulat sa isang pahayagan na hanggang ngayon ay  hindi pa tapos ang negosasyon dahil kinukuwestiyon ang kaduda-dudang kakayahan ng MZBPI na isakatuparan ang “rehabilitasyon” ng Manila Zoo.

Ito palang MZBPI ay wala pang track record o pruweba sa ganitong klaseng proyekto kaya posibleng ipakokontrata rin sa ibang kompanya ang nasalakab na kontrata ng maanomalyang P1.5-B Manila Zoo rehabilitation deal.

Kahit kasama sa pinirmahang JVA ang pagtatayo ng sabungan sa Manila Zoo, tigas pang ikinaila ito ng kampo ni Erap.

Matatandaang binigyan ng permit ng City Hall ang pagtatayo ng sabungan sa Sta. Ana pero hindi natuloy dahil sa puspusang pagtutol ng mga residente at mga taong-simbahan.

Pera ng Maynila saan dinadala?

SA nabanggit na press conference, isiniwalat ni Mayor Lim na sumandok si Erap ng P339-M sa kaban ng City Hall at inilagay sa intelligence fund ng Office of the Mayor noong 2014 at 2015.

Sumalok din ng P150.2-M confidential fund ang tanggapan ng sentensiyadong mandarambong mula sa ibinabayad na buwis ng Manileño.

Mula nang maupo si Erap sa Maynila, tinapyasan niya ang budget ng anim na ospital sa Maynila, pati ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Unibersidad de Manila (UDM).

Binawasan na nga ang pondo ng anim na ospital, pinagbayad pa ang mga pasyente.

Hindi maitatanggi ito ni Erap dahil pinirmahan niya ang Ordinance No. 8331 noong Disyembre 13, 2013 na itinatakda ang paniningil sa mga pasyente sa mga ospital na libre ang mga serbisyo at gamot sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Lim.

Kinuwestiyon din ng Commission on Audit (COA) noong 2014 ang paggasta ni Erap ng P213M mula sa buwanang financial aid ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa lungsod.

Bago bumaba sa kanyang puwesto noong 2013, si Mayor Lim ay nakapag-iwan ng mahigit P80-M pondo na natipid ng kanyang administrasyon mula sa tulong na natatanggap ng lungsod galing sa PAGCOR.

Ito ang nakasaad sa financial statement certification na may petsang July 4, 2013 na pirmado ni Gng. Liberty Toledo, ang City Treasurer na itinalaga ni Erap, bilang bahagi ng P1.5-B pondo na naiwan ni Mayor Lim bago siya bumaba sa puwesto.  

Anong malasakit ang maasahan ng mga taga-Maynila kay Erap na hindi naman Manileño kung ang San Juan City nga na 43 taon pinamunuan ng kanyang angkan ay hindi sila naipagpatayo kahit isang city college at ospital na puwedeng makapagpagamot nang libre ang mga residente ng siyudad?

Ang Maynila ay para sa Manileño, hindi sa mga dayo!

Manuhol at pasuhol parehong bawal

ILANG beses na nating pinaaalalahanan ang mga kawani at opisyal ng gobyerno sa mga umiiral na batas hinggil sa kanilang pagtupad sa tungkulin at pamantayan ng moralidad na dapat sundin.

Isang tagasubaybay natin ang labis na nadesmaya sa lantarang pag-amin ng ilang opisyal na tumanggap sila ng regalo sa mga pribadong indibidwal at grupo.

Nakadedesmaya rin aniya ang lantarang pagtanggap ng public school teachers ng ‘regalo’ na computer tablet mula kay Erap kamakailan.

Baka aniya hindi alam ng mga taga-gobyerno na may mga kasong kriminal at administratibo na puwedeng isampa sa kanila gaya nang paglabag sa Articles 210-212 ng Revised Penal Code, Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), at Presidential Decree 46 (Making it Punishable for Public Officials and Employees to Receive, and for Private Persons to Give, Gifts on Any Occasion, including Christmas).

Hindi kaya maubos ang mga teacher sa Maynila at mabakante  ang mga puwesto sa gobyerno sakaling sampahan sila ng kaukulang kaso?

Susme, mahirap bang i-memorize na ipinagbabawal ang pagbibigay at pagtanggap ng suhol?

Mayor kinarma na-mild stroke

SINO kaya ang incumbent at reelectionist mayor sa isang siyudad sa Metro Manila na nakaranas ng mild stroke nitong nakaraang Biyernes?

Kaya ‘wag nang magtaka kung si mayor ay makikita na laging nakaupo dahil bawal sa kanya ang mapagod at mainitan.

Ang sabi ng miron, mas napalakas raw kasi ang laging paglalasing ni Yorme dahil kabado sa napipintong pagkatalo sa May 9 at pagbabalik sa ob-lo sa dami ng kawalanghiyaang ginawa sa siyudad.

Ang mild stroke na inabot ni yorme ay posibleng digital karma kaya mabilis dahil sa pagkakalat ng paninirang may mabigat na karamdaman ang kanyang kalaban kaya siya ang tinamaan.

‘Buti na lang hindi natuluyan si mayor dahil kung nagkataon ay gugulo lang dahil baka si vice pa ang pumalit.

Ang tadhana raw ay laging may lihim na paraan ng paghihiganti o karma.

“Lapid Fire” sa DZRJ at Cablelink TV-Ch.7

LAGING subaybayan ang malaganap nating programang “Lapid Fire” na napapanood mula 8:00 am – 10:00 am sa 8Tri-TV ng Cablelink Channel 7 at sabayang napapakinggan 9:00 am – 10:00 am sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz.), Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas at Atong Ma.

Anomang sumbong, puna at reaksiyon itawag sa Landline Nos. 412-0288 at sa Textline Nos. 0917-678-8910.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected] 

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *