MARAMI ang nagsasabi, deserving naman ang Koreanong si Yohan Hwang na siyang nanalo roon sa I Love OPM, isang contest ng mga dayuhang kumakanta ng original Filipino music.
Pero hindi iyan ang unang pagkakataon na napanood naming kumakanta ng musikang Filipino si Huwang. Noong araw pa nagiging guest siya sa ibang TV shows, maliliit nga lang, at talagang kumakanta na siya ng Filipino. Matagal na kasi siya rito at nag-aaral nga sa La Salle. Matagal na rin naman siyang may ambisyong maging professional singer, wala nga lang sigurong pagkakataon. Dahil sa panalo niya sa contest na iyan, nakakuha na siya ng tamang public exposure at kung hindi man maging interesado sa kanya ang ABS-CBN, sigurado may papansin na sa kanya at kukuha.
HATAWAN – Ed de Leon